^

PSN Opinyon

Video karera

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SAKU-SAKONG peso coins ang nahahakot ni Gina Guttierez tatlong beses kada araw dahil sa kanyang video karera sa Maynila. Kaya siya ang tinataguriang video karera queen. Walang may malakas ang loob na sawatain si Gina dahil ayon sa aking mga nakausap naging alalay ni Manila Mayor Alfredo Lim ang asawa niyang si Romy. Sa kabila ng mainit na kampanya nina Lim at MPD-acting director Chief Supt. Alejandro Guttierez sa paglipol sa mga kriminal sa lansangan, nagawang ikalat ni Gina ang kanyang video karera sa Tondo, Sta Cruz at Sampaloc. Wala nang oras ang mga pulis nina Supt. Rolando Tumalad, (PS-1), Supt. Jemar Modequillo, (PS-2), Supt. James Afalla, (PS-3) at Supt. Rolando Balasabas dahil ang pinagkakaabalahan nila ngayon ay ang paglipol sa riding-in-tandem criminal ayon sa kautusan ni Lim.

Laging puno ang bulsa ni Gina dahil sa video karera. Ang masakit maraming kabataan ang napariwara ang kinabukasan dahil karamihan napapabayaan na ang pag-aaral. Naging pugad na rin ng adik ang mga nabanggit kong lugar dahil kung saan may video karera naroon din ang drug pushers. Matagal na itong problema na dapat na pagtuunan ng pansin ng PNP. Kung may bayag ang mga mayor at barangay official tiyak na mahihinto ang paglaganap ng video karera sa kanilang lugar.

Noong kapanahunan ni dating mayor Lito Atienza, walang puknat ang pagsalakay ng MPD sa bahay na nilatagan nina Buboy Go at Randy Sy. Nagresulta ito ng pagsara nina Buboy Go at Randy Sy dahil hindi nakaya- nan ang pagtingin sa pagsibak at pagsunog ng kanilang video karera machine sa Meyhan Garden. Nabawasan din noon ang adik dahil wala na silang mapagtuunan ng kanilang trip to heaven sa tuwing makakasinghot ng shabu. Sa ngayon, nagmistulang kabute na naman ang video karera sa Maynila kaya naglipana na naman ang mga adik sa kalye.

Magawa kaya ni NCRPO chief Dir. Alan Purisima na pasukin ang mga lungga ng video karera ni Gina? Sa tingin ko, tanging mga tauhan lamang ni Purisima ang pag-asa ng mga taga-Maynila para masawata ang salot na video karera. Markado na ang mga karakas ng kapulisan sa MPD kaya patuloy ang negosyo ni Gina. Hindi ko ina­akusahan na pasok na ang intelihensya ni Gina sa bulsa ng taga-MPD dahil paminsan-minsan, nagpi-presinta naman sila ng huling video karera machine kay Lim na pampapogi sa mga botante. Sa susunod ibibigay ko ang mga address ng mga makina ni Gina upang makatulong kay Purisima.

ALAN PURISIMA

ALEJANDRO GUTTIEREZ

BUBOY GO

DAHIL

GINA

KARERA

MAYNILA

RANDY SY

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with