^

PSN Opinyon

Health workers huwag gutumin

- Al G. Pedroche -

DAHIL sa impeachment trial kay Chief Justice Corona, maraming importanteng isyu ang natatabunan at di napag-uukulan ng pansin kahit ang direktang apektado ay ang ating mga kababayan. Kung hindi pa lumindol nang malakas sa Central Visayas ay hindi pa nalihis sa impeachment ang isyu.

Pagbukas ko ng aking Facebook account kahapon, may isang nagpadala ng message sa akin. Isang health worker na nagngangalang Sean Herbert Velchez (Re-gistered Nurse) ng Philippine Orthepedic Center. Heto ang nilalaman ng mensahe”

Magandang umaga po. May malaking issue po kasi sa mga Department of Health retained hospitals regarding a memo issued by Assistant Secretary Nemesio Gako of DOH. Binawasan po ng almost 700 pesos ang monthly subsistence allowance namin at yung laundry allowance din namin ay bawas na. Nanganganib din pong mawala yung aming mga hazard pay at longevity pay.

These benefits are stipulated under the Magna Carta of Public Health Workers. Nag- lightning rally na po kami sa DOH at DBM at every week po ay nagno-noise barrage po kami sa ibat ibang hospitals, kaso di napipick up ng mainstream media dahil na rin po siguro sa impeachment at sa lindol .

Kami na nga po ang nagsasakripisyo para makapag- lingkod sa mga maysakit, kami pa ang pinupuntirya ng pa-mahalaan ni Pangulong Aquino. We need help po. salamat.

— Sean Herbert Velchez R.N.

Philippine Orthopedic Center

Needless to say, napaka-importante ng serbis­yong pangkalusagan sa mga mamamayan at kailangan ang serbisyo ng mga health workers lalu na sa mga liblib na kanayunan. Partikular pa itong nagiging importante sa panahon ng kalamidad upang saklolohan ang mga biktima.

Sana, ang mensaheng ito ay pag-ukulan ng kahit kaunting pansin ng gobyerno para hindi mapabayaan ang panga­ngalaga sa kalusugan ng lahat ng mamamayan. 

Papaano na lang kung mawawala ang mga manggagawang pang­kalusugan ng gobyerno?

Tiyak ang mag­­durusa ay ang mamamayan.

ASSISTANT SECRETARY NEMESIO GAKO

CENTRAL VISAYAS

DEPARTMENT OF HEALTH

MAGNA CARTA OF PUBLIC HEALTH WORKERS

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE ORTHEPEDIC CENTER

PHILIPPINE ORTHOPEDIC CENTER

SEAN HERBERT VELCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with