^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Saan pang lugar ligtas ngayon?

-

PATULOY ang pagtaas ng krimen ngayon. Nakakatakot na kahit sa mga lugar na may mga guwardiya o malapit sa presinto ng pulis ay hindi nakasisigurong ligtas. Maitatanong tuloy kung saan pa nga bang lugar ligtas ngayon o mayroon pa bang lugar na ligtas ngayon?

Isang halimbawa na lamang ay ang nangyaring krimen sa loob ng UP-Diliman. Isang estudyante ang pinagsasaksak ng icepick ng isang lalaki sa opisina ng Student Council sa Vinzon’s Hall noong nakaraang linggo. Pagnanakaw ang motibo. Nagpanggap umanong aplikante ang lalaki kaya nakapasok at nang nasa loob ng opisina ay nagnakaw pero nakita siya ng babaing estudyante. Sinaksak siya ng magnanakaw sa ulo at hinampas ng trophy. Mabilis na tumakas ang lalaki pero nahuli rin ng mga guwardiya. Himala namang nakaligtas ang estudyante.

Nakapagtataka na kahit sa mataong lugar at maraming guwardiya ay nakalulusot pa rin ang mga masasamang loob. May pagkukulang sa seguridad kaya nakalusot ang magnanakaw. Hindi maayos ang sistema at basta na lamang pinapapasok ang sinuman. Masyadong maluwag ang mga guwardiya. Paano kung mga terorista ang nakapasok at nakapagtanim ng bomba. Maraming mamamatay dahil lamang sa pagiging maluwag sa seguridad.

Noong nakaraang Linggo, pinagsasaksak ang mag-iina ng isang umano’y drug addict sa Reparo St., Caloocan City. Kumakain umano ng almusal ang mag-iina nang pumasok ang suspect at pinagsasaksak ang mag-iina. Namatay ang ina at malubhang nasugatan ang tatlong anak. Umano’y utang ang dahilan kaya sinaksak ang mag-iina. Nahuli na ang suspek habang papasakay ng bus patungong probinsiya noong Martes.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa pangyaya-ring nagpapakita na laganap ang krimen sa kasaluku-yan. Maaaring maganap ang krimen kahit na sa loob ng pamamahay at kahit nga mayroon pang mga guwardiya. Saan pa nga bang lugar ligtas ang mamamayan? Nakababahala ang mga nangyayari na kahit sa gitna mismo ng kalsada ay may nagaganap na pagpatay, na ang may kagagawan ay ang riding-in-tandem. Sunud-sunod ang pagnanakaw at pagpatay.

Ang pagkakaroon ng mga pulis sa kalsada ang isang paraan para mapigilan ang paglaganap ng krimen. Kung may pulis na nagpapatrulya, maaaring magdalawang-isip ang mga criminal. Ang paghihigpit din naman ng seguridad sa matataong lugar ay dapat ipatupad.

CALOOCAN CITY

DILIMAN

HIMALA

ISANG

KUMAKAIN

LINGGO

LUGAR

REPARO ST.

STUDENT COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with