Nabubulagan na ng poot ang Tsina
HINIHINGI ng Global Times ng Tsina na parusahan ang Pilipinas dahil sa pagkiling sa America sa usaping depensa. Bawasan daw ang kalakalan ng Tsina at Pilipinas, at brasuhin ang ASEAN para tigilan ang pakikipag-ugnay sa Pilipinas. Ang Global Times ay subsidiary ng People’s Daily, dyaryo ng naghaharing Partido Komunista ng Tsina. Nabubulagan ang Tsina sa poot sa Pilipinas. Maraming bagay na nakaligtaan:
Una, hindi makakakuha ng kakampi sa buong mundo ang Tsina laban sa Pilipinas. Ayaw ng ibang bansa ang brasuhan sa ekonomiya.
Ikalawa, hindi mapapa-kontra ng Tsina ang ASEAN sa Pilipinas. Ikalawang pinaka-malaking populasyon ito sa ASEAN, at kinikilalang isa sa orihinal na tagapagtatag.
Ikatlo, galit ang ASEAN, United Nations, US, Japan, Australia-New Zealand, at European Community sa pag-aangkin ng Tsina sa buong South China Sea, bagay na isinumbong ng Pilipinas.
Ikaapat, nagmumukhang kanto-boy ang Tsina sa pagbabarumbado. Tila pinipilit nito ang Pilipinas na piliin ang Tsina imbis na America bilang kaalyado.
Ikalima, nagmumukhang amateur sa diplomasya ang Tsina. bagama’t may 4,000 taon itong karanasan sa lara-ngan. Dinadaan sa brasuhan imbis na usapan ang hindi pagkakaunawaan sa kapit-bansa.
Ikaanim, nagmumukha ring amateur na imperyalista ang Tsina. Lumalakas nga ang militar, tulad ng America nu’ng 1898, pero hindi alam gamitin. Minasinggan nga ng Chinese Navy ang mga kaawa-awang penguins sa Antarctica.
Ikapito, nakakalimutan ng Tsina na maraming magagalit na mamamayan nito at kadugong-Tsinong Pilipino sa pambubusabos nito.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending