^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming nalilipasan ng gutom

-

NABAWASAN daw ang bilang ng mga naghihirap pero nadagdagan ang bilang ng mga nagugutom. Ito ay ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong nakaraang Disyembre 3-7, 2011. Tinanong ang may 1,200 respondents at 22.5 percent ang nagsabing sila ay nakaranas magutom o nalipasan sa nakaraang tatlong buwan. Mataas ang bilang ng mga nagugutom sa probinsiya samantalang mababa naman sa Metro Manila. Lumobo­ sa 4.5 milyon ang mga nagugutom o nalipasan ng gutom.

Hindi maganda ang resulta ng survey na ito. Hindi ganito ang napi-picture ng mamamayan na mangyayari kung ang pagbabatayan ay ang mga pinangako ng kasalukuyang pamahalaan. Walang pag-unlad o mabagal ang pag-unlad. Hindi pa natitikman ang mga pinangako noong 2010. Kung may nararamdamang pagbabago, maaaring magsabay ang resulta ng SWS survey at ang lalabas ay ganito: may nakakaahon sa kahirapan at nababawasan ang nagugutom. Pero hindi ganito ang nangyayari sapagkat lalo pa ngang tumataas ang mga nagugutom. Lumobo pa sa halip na umimpis.

Malinaw na wala pang umeepekto sa mga sinabi ng pamahalaang Aquino na tinutugunan nila ang kapakanan ng mga mahihirap. Labingwalong buwan­ na ang Aquino administration subalit hindi pa rin nasosolusyunan ang kahirapan ng buhay at nadagdagan pa ang kumakalam ang sikmura dahil sa gutom.

Isang dahilan kaya maraming nagugutom ay ang kawalan ng trabaho. Maraming jobless. Kahit mga nakatapos sa kolehiyo ay walang makuhang trabaho. Nakapagtataka naman na sa bawat pagbisita ni President Aquino sa mga bansa ay sinasabi niyang may bitbit siyang investment at ito ang magbibigay nang maraming trabaho. Nasaan na ang mga sinabi niyang ito?

Kailangang makalikha ng trabaho ang pama­halaan para mabawasan ang mga nagugutom. Huwag masyadong mag-concentrate sa paglilimos sa mga mahihirap kundi mag-pokus sa pag-create ng mga trabaho. Hindi na kikilos ang mga nili­limusan sapagkat aasa na lamang lagi sa binibigay ng pama­halaan. Trabaho ang ibigay sa kanila para hindi sila umasa at maging batugan.

AQUINO

DISYEMBRE

HUWAG

LUMOBO

METRO MANILA

NAGUGUTOM

PRESIDENT AQUINO

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with