^

PSN Opinyon

Civil Service Eligibility sa mga councilor

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MALAKING tulong sa ibayong pagpapahusay ng local governance sa ating bansa ang Republic Act 10156 (An Act Conferring upon Members of the Sangguniang Bayan, Sangguniang Panlungsod and Sangguniang Panlalawigan the Appropriate Civil Service Eligibility) na nilagdaan ni President Noynoy Aquino noong Disyembre 20, 2011. Ang batas ay mula sa Senate Bill 2735 na inakda ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Saklaw nito ang mga councilor sa iba’t ibang antas ng lokal na pamahalaan o mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Panlungsod at Panlalawigan na nahalal matapos magkabisa ang Local Government Code of 1991.

Una nang naghayag ng buong suporta rito ang Phi-lippine Councilors League na binubuo ng 16,000 city at municipal councilors sa buong bansa at pinangungunahan ng National President nito na si Councilor Ronald Carcellar ng Poro, Cebu.

 Alinsunod sa nasabing batas, gagawaran ng eligibi-lity na katumbas ng Career Service Professional Eligibi-lity ang mga councilor na nakapagsilbi ng siyam na taon at may natapos na bachelor’s degree. Gagawaran din ng eligibility na katumbas ng Career Service Sub-Professional Eligibility ang mga miyembro ng sanggunian na nakapaglingkod na ng anim na taon at may natapos na 72 units ng alinmang baccalaureate program.

Sa pamamagitan nito, ang mga councilor ay magi-ging saklaw na rin ng una nang ipinatupad sa ilalim ng Local Government Code na paggawad ng katulad na eligibility sa mga Punong Barangay, Sangguniang Ba-      rangay at iba pang opisyal ng barangay base rin sa bilang ng taon na kanilang ipinag­lingkod sa bayan.

Ayon kay Jinggoy, ang naturang hakbangin ay isang paraan ng pagkilala at pagbibigay ng insentibo sa mga nagseserbisyo sa ating mga lokal na pamahalaan.

* * *

Birthday greetings: Nue­­­­va Ecija governor Au­relio Umali at Bishop Car­ lito Cenzon (January 25); Former Information Attache of the Philippine Embassy to Australia Jun Burgos (January 26).

AN ACT CONFERRING

AUSTRALIA JUN BURGOS

BISHOP CAR

CAREER SERVICE PROFESSIONAL ELIGIBI

CAREER SERVICE SUB-PROFESSIONAL ELIGIBILITY

COUNCILOR RONALD CARCELLAR

COUNCILORS LEAGUE

FORMER INFORMATION ATTACHE OF THE PHILIPPINE EMBASSY

LOCAL GOVERNMENT CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with