^

PSN Opinyon

Bakbakan sa impeachment, bangayan sa minorya

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MASAMA ang oblo ni House Minority leader Edcel Lagman dahil nabola esta mali sumira daw sa pangako si dating Pangulo at ngayon ay ‘hospital arrest’ na si Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa pahayag nito na dehins siyai makiki-alam sa botohan kung papalitan o hindi si ‘white hair’ este mali Edcel pala.

Hindi naman ‘crying cow’ si Edcel pero may sama ito ng loob sa nangyayari dahil nga gusto na siyang patalsikin ng kanyang mga kaalyado sa minorya in favor of Quezon Rep. Danilo Suarez para pumalit sa trono ng inuupuan ngayon nito.

Kaya naman last Thursday ay nagbitiw na ito bilang Minority Floor Leader sa Kamara in favor kay Suarez.

Dehins matanggap ni Lagman, na pati ang dalawang nak-a ni Gloria  sina Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo at Ang Galing Pinoy Rep. Rep. Juan Miguel Arroyo ay pumirma para patalsikin siya sa minorya.

Kung si Suarez ang tatanungin sinabi nito na dapat kilalanin ni Lagman ang term sharing na kanilang pinag-usapan bago ang botohan noong Hulyo 2010.

Kinontra naman ni Lagman ito dahil ang kanilang usapan ay para lamang sa speakership at hindi sa pagiging minority leader.

***

P. Noy trabaho lang

HINDI inaalintana ni P. Noy ang nangyayaring mala-tele-seryeng takbo ng impeachment trial na may limang araw ng ginagawa ngayon laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa halip ay busy ito sa kakaikot sa iba’t-ibang lugar sa Philippines my Philippines para pulsuhan ang madlang people sa nangyayari kahirapan sa kanilang buhay.

Sunod-sunod kasi ang pagtaas ng mga produkto ng langis, pagkain at halos lahat ng kailangan ng madlang people ay going up na sa presyo kaya naman abala ito sa mga dapat gawin para mabigyan solusyon ang problemang nangyayari.

Naging punong abala si P. Noy ng dumating sa Philippines my Philippines ang mga kano para pag-usapan at palakasin ang ugnayan ekonomiya ng madlang pinoy sa madlang kano.

Mukhang iniisnab ni P. Noy ang makasaysayan pangyayayari sa impeachment trial laban kay Corona para mawala sa isipan ng madlang people na pinipersonal niya si CJ.

***

Rafael Palma Lodge No. 147

TODAY, ang public installation ng mga newly elected at appointed officer ng Rafael Palma Lodge No. 147, around 1pm sa Capitol Masonic Temple, Matalino St., Diliman Quezon City.

Pagkatapos ng kodakan sa installation isang magarbong tsibugan ang mangyayari na ang hindi makakapunta ay magsisi dahil hindi nila matitikman ang mga special na handa ng nasabing Loya.

Ang mga bagong kokodakan sa installation ay sina Worshipful Master Bro. ROY ‘Puroy’ V. PANGILINAN. Senior Warden Bro. MICHAEL GION ‘Mike’ V. RIVERA, Junior Warden Bro. RUEL ‘Loloy’ M. LADIO, Treasurer WB ARLEN P. BARRAMEDA, PM. Secretary VW GUILLERMO ‘Maui’ B. LAZARO, JR., PDDGM.Auditor WB CELSO A. MENDOZA, PM, Chaplain WB GOEFFREY ‘snooky’ B. MENDOZA,PM, Marshall Bro. ABELARDO GERARD III P. MENDOZA, Senior Deacon Bro. REDEN C. SALITA, Junior Deacon Bro. EGIPTO CHARLIE, Lecturer VW AUGUSTO E. ALVAREZ, PDGL, Historian VW BENJAMIN A. TORRES, PAGS, Almoner WB HILARIO M. FARCON Jr., IPM, Custodian of Works VW RENATO A. REYES, PM, Senior Steward Bro. REYNALDO FLORES, Junior Steward Bro. JAMES GARCIA, Organist WB ANTONIO ‘pogi’ B. LAZARO, PM. Tyler WB ZITO C. OCHOA, PM. at Harmony Officerr VW ROMMEL SJ. CORRAL, PDGL.

Lahat ay imbitado punta na mga Kuyang!

ANG GALING PINOY REP

BRO

CAMARINES SUR REP

CAPITOL MASONIC TEMPLE

LAGMAN

LSQUO

RAFAEL PALMA LODGE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with