^

PSN Opinyon

Huwag gawing underdog si Corona

- Al G. Pedroche -

MAGAGALING at batambata ang karamihan sa mga congressmen-prosecutors sa impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona. Puna ko lang, mas­yadong padalus-dalos at agresibo ang mga pananalita.

Partikular ko’ng tinutukoy si Rep. Niel Tupas, ang lead prosecutor na sa pambungad na pananalita ay agad ikinumpara kay Hudas Iskaryote si Corona na sa “ilang pirasong ginto” (sic) ay ibinenta na ang kanyang integridad. Rep. Niel, pilak at hindi ginto ang ibinayad kay Hudas para ipagkanulo si Jesucristo. O baka naman yung nahakot na pilak ni Corona ay hinipo ng kanyang ispokman na si Midas kaya naging ginto? Hehehe!

Sa ngayon, ang pangkalahatang simpatiya ng t­aum­­ bayan ay sa administrasyon. Pero sa ginagawang hantarang panlalait ng mismong mga tagausig ay baka mabaliktad ang sitwasyon.

Alam na natin na kakaiba ang impeachment case sa mga kasong kriminal na nililitis sa mga ordinaryong Korte. Kaso dapat umiral pa rin ang tinatawag na presumption of innocence until proven guilty. Ang nangyayari, presumption of guilt until proven innocent. Kahit ang pina­kamakasalanang kriminal ay may karapatang malitis muna bago ideklarang nagkasala.

Tayong mga Pilipino ay may tinatawag na “underdog mentality.” Madalas nababaling ang ating simpatiya sa mga naaapi sa ating pananaw.

Sa isang kasong impeachment, ang taumbayan ang final arbiter at kung ang paghuhusga ay maging kabaliktaran ng gusto ng mamamayan, baka magkaroon ng kaguluhan sa ating bansa.

Gaya ng nasabi ko, mahuhusay at batambata ang mga prosecutors pero masyadong “taklesa” sa kanilang mga pananalita kahit bago pa man mag-umpisa ang paglilitis ng Senado. Lumalantad agad sa media upang ipamarali ang kasalanan ng isina-sakdal na para bang pormalidad na lang ang isasagawang trial.

Kaya naman pinaalalahanan sila ni Senate Pre-sident Enrile na maging ma­hinahon sa kanilang lenguahe. Mahusay si Enrile bilang lead judge sa impeachment panel. Mahinahon din at magagaling ang mga gurang na counsel ni Corona sa pangunguna ni Serafin Cuevas. Iba na ang may edad. De kalidad. Mabuhay ang mga senior citizens!

ALAM

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

ENRILE

GAYA

HEHEHE

HUDAS ISKARYOTE

NIEL TUPAS

SENATE PRE

SERAFIN CUEVAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with