^

PSN Opinyon

Ang recall election

- Al G. Pedroche -

MAGANDA sanang exercise ang recall election para mapalitan ang mga tiwali o di karapat-dapat na halal na lokal na opisyal. Pero kapag politically motivated, pagwawaldas lang ito ng pondo ng bayan sa kapakanan ng mga may political interest na nagpapasimuno nito.

Kaya dapat pag-aralan at tukuying mabuti ng COMELEC kung ang mga recall petitions ay hindi lamang pakulo ng mga talunang kandidato. Ayon mismo kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, halos 100 kahilingan para sa snap elections ang naisampa sa kanilang tanggapan. Daang milyong piso ang karaniwang inilalaan para sa pagtatanod ng kampanya at bilangan ng balota. Di birong halaga iyan!

Sino ang makakalimot sa matinding labanan sa pagitan ng noon ay Caloocan City mayor na si Reynaldo Malonzo at katunggali sa politika na si Macario “Boy” Asistio?

Pinangangambahang maulit ang scenario na ito sa Gapan City, Nueva Ecija kung sadya itong hahayaan ng mga opisyal ng poll body roon.

“Loss of confidence”  ang dahilan sa recall petition nina Reynaldo Guitierrez at Romeo Natividad, kapatid ng dating Gapan City mayor na si Ernesto Natividad, laban sa incumbent mayor na si Christian Tinio, Vice Mayor Rodel Matias, at mga konsehal na sina Marcelino Alvarez at Eliser Padiernos.

Anang mga political experts, ito ay bunga lang ng pagkasira ng political relations nina Ernesto at Tinio. Dating sanggang-dikit sa politika sina Ernesto at Tinio subalit nagbitak ang dalawa nang isabong ng una ang kanyang asawang si Baby sa huli para sa pagkopo sa mayoralty post.

Tinawanan lang ng alkalde ang kung ano-anong inembentong dahilang nakapaloob sa recall petition (na isinampa noong nakaraang Disyembre 2010) tulad ng “conflict of interest and entering into disadvantageous contracts and acts of oppression.”

“Nilinlang din nila ang mga tao sa pangangalap ng pirma. Kanilang pinaniwala ang aking mga kababayan na makakasama sila sa pagkakalooban ng tulong makaraang salantahin ng bagyo,” ani Tinio. Sinabi ni Tinio na kaduda-dudang nagsimula ang kampanya sa petisyon makaraan ang kambal na bagyong “Pedring” at “Quiel.”

“Iyong iba naman ay pinaniwala nila na kapag pu-mirma ay bibigyan sila ng regalo sa Pasko,” aniya.

Ayon kay Tinio, magpapatuloy siya sa pagli-lingkod sa mga tao sa ka­bila ng kaguluhang nang­yayari (sa anyo ng isang recall petition) sa kanya.Naniniwala si Tinio na ibabasura ng COMELEC ang petisyon dahil sa kawalan nito ng merito.

AYON

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

CHRISTIAN TINIO

ELISER PADIERNOS

ERNESTO

ERNESTO NATIVIDAD

GAPAN CITY

TINIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with