^

PSN Opinyon

King Solomon Lodge 150

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NGAYON Sabado, January 14, 2012 sa ganap na 2 ng hapon ang installation ng elected at appointed officers ng King Solomon Lodge 150 at sa Makati Sports Center ito gaganapin.

Ang mga bagong opisyal ng King Solomon Lodge 150 ng Free and Accepted Masons of the Philippines ay sina  Worshiful Master  Bro. Gregorio L. Cayabyab, Senior Warden Bro. Yeshter Don P. Baccay, Junior Warden Bro. Dionicris N. Mondia, Treasurer  WB Eufracio  Rocamora, Secretary  VW  Danilo  C. Datu Jr., Auditor VW Sixto S. Esquivias  IV, Chaplain Bro. Lucio de Asis, Marshall Bro. Julius A. Esquivias. Senior  Deacon  -  Bro. Christian B. Arbues, Junior  Deacon  -  Bro.  Hernani “John” R. Lopez Jr., Senior Steward Bro.  Oliver  R. Regala. Junior  Ste­ward Bro.  Wilson C. Yu, Tyler VW Hernani  Lopez Sr., Almoner Bro.  Valerio  A. Zuniga Lecturer  WB Marlon M. Castor,  Organist Bro. Ulyssis Catchallarm, Orator  Bro.  Miguel Almario, Bible Bearer Bro. Remir Macatangay, Harmony  Officer WB Pete Pascua.

Sabi ni WB Cayabyab, ang hindi pupuntang mga brethren sa kanilang pagtitipon ay magsisi dahil hindi nila matitikman ang kanilang special na putaheng inihanda para sa mga bisita.

Kaya kayo rin Brethren para hindi kayo magsisi punta na!

 

Bangkay sa loob ng maleta

YESTERDAY morning sa parking area ng NAIA terminal 2 may iniwan na bangkay ng bebot sa loob ng maleta at nakita ng sekyu na nakatabi sa isang flower pot kaya naman halos mataranta ang guardia sibil dahil ang akala yata ay may bombang iniwan dito.

Nagdatingan ang mga lespu para buksan ang maleta at ng ma-open sesa­me ito tumambad ang isang bebot sa loob ng suitcase dehins na humihinga.

Nagtataka ang mga taga-airport kung paano napunta ang dedbol na chicks sa parking area dahil alam naman ng madlang people kung gaano kaluwag este mali kahigpit pala ang security sa paliparan kaya nga pati takbo ng mga ipis dito ay monitor ng intel unit. Hehehe!

May umamin na mga bright na dehins pala puedeng buksan sa checkpoint ang mga kasangkapan, maleta o anuman bagay sa loob ng tsikot.

Sabi nga, bawal mabusisi!

Kulang as in may lapses pa rin pala ang security measure sa NAIA dahil alaws palang security camera sa loob ng mga parking area ng paliparan.

Sabi nga, hanggang loob lang.

Kaya kung gustong bombahin ang labas ng paliparan ng mga kamoteng maghahasik ng lagim ay malaya pala sila dahil hindi sila kayang ma-identify tulad ng nangyari sa bebot sa maleta.

‘Ano ang dapat gawin ng mga pa-bright-bright sa NAIA?’ Tanong ng kuwagong kamote tanga.

‘Siguro magpa-bid ng CCTV dahil importante ang security sa NAIA,” sagot ng kuwagong pakaang-kaang.

‘Hindi ba aayusin ang NAIA?’ Tanong ng kuwagong ungas.

Kamote, runway lang!

 

Laon Laan Lodge 185

NATAPOS na rin ang eleksyon para sa Masoni year 2012-2013 sa Loya ng Laon Laan 185 the other week pa.

Elected Worshipful Master ay si Bro. Atty. Mon Gutierrez, ang Senior Warden ay si Pasig City Fiscal Bro. Rey ‘Bigboy’ Dumlao at Junior Warden ay si Pasig City Fiscal Bro. Blas Tuliao.

Hindi pa ibinigay sa Chief Kuwago ang line-up ng kanilang mga elected at appointed officials basta ang Orator ng Loya ay si Kuyang Butch Quejada.

Sa Feb. 4, 2012 ang installation ng Laon Laan Lodge 185 kaya dapat abangan ng brethren ito.

Sabi nga, punta kayo mga Kuyang!

vuukle comment

ALMONER BRO

BRO

JUNIOR WARDEN

KING SOLOMON LODGE

LAON LAAN LODGE

PASIG CITY FISCAL BRO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with