NAGDAAN ang Pasko at Bagong Taon, isa sa mga industriyang naging abala sa lumipas na okasyon ay ang cargo at shipping.
Maraming overseas Filipino worker (OFW) mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ang nagpadala ng kanilang mga balikbayan boxes o “package” para sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pinas.
Kakaiba ang pakiramdam ng isang OFW na umaasang matatanggap ng kanilang mga kamag-anak ang mga pinadalang pinaghirapang bilhin mula sa bansang pinagtatrabahuan.
Kaya naman kahit magbayad ng mahal, wala itong problema. Nagtitiwala ang mga OFW sa mga kumpanya ng shipping at cargo sa pagpapadala ng kanilang package.
Subalit paano kung ang inyong package na pinaka-iintay, naantala, napag-iwanan na ng okasyon at ang masaklap, baka nakalimutan na ng kumpanyang pinagpadalhan?
Katulad na lamang ng reklamo sa e-mail na natanggap ng BITAG:
Magandang araw po sa inyo, Ako po si Jonalyn Parreno ng SULTAN KUDARAT. Nag e-mail po ako sa pagbabakasa-kaling matulungan po ninyo kami sa aming nais na ireklamo.Tungkol po ito sa package na pinadala ng byenan ko sa amin na hanggang ngayon hindi pa nakarating sa amin,ang isang box na kasabay ng 2 boxes na na-edeliver na last December 14,2011. Pinadala po ito ng byenan ko sa FAST CARGO LOGISTICS CORP. Actually po na-inquire na po ng byenan ko ito sa LONDON at ang unang sabi sa kanya, idedeliver noong Dec. 24, 2011, pero hindi po naedeliver. Binigyan po namin ng considerasyon kung bakit hindi nai-deliver dahil nga Christmas at New Year. Pero until now lumampas na po ang Christmas at New Year. Wala na pong dahilan para maantala ang delivery. In-inquire uli ng byenan ko doon sa London at ang sabi sa kanya nandito na raw po sa depo sa amin. Hindi po namin alam ang totoong status nito. Dahil nga po malayo kami sa Maynila, ang tanging paraan lang po namin para makapagcommunicate sa kanila ay sa pamamagitan ng telepono pero wala naman pong sumasagot. Kaya sana masasagot na po ang katanungan namin kung nasaan na ang 1 box na yon kasi po sa tatlong boxes na pinadala ng byenan ko,yon ang sabihin na nating pinakahinihintay namin dahil nandoon lahat ang mga mahahala-gang bagay na pinadala sa amin.Umaasa po kami na matutulungan ninyo kami.
Sa unang tingin, maglalaro sa iyong isipan na may problema sa kumpanyang inirereklamo. Dumating ang 2 box subalit ang 1 box na naglalaman ng pinakamahahalagang bagay, nawawala pa.
Tinatawagan ng BI-TAG ng pansin ang Fast Cargo Logistics Corp. upang tugunan ang reklamong ito.
Hindi na siguro kinakailangan pa ng brasuhang panghihimasok ng BITAG bago kayo kumilos, alam naming reputable ang kompanya niyo.
Sa mga nakakaranas ng kaparehong pro ble-ma, maaaring magreklamo sa Department of Trade and Industry-Philippine Shipper’s Bureau (DTI-PSB). Maaaring magtungo sa kanilang tanggapan sa Makati o tumawag sa kanilang hotline (02) -751-3330.