^

PSN Opinyon

Concubinage vs ex-envoy

- Al G. Pedroche -

BAGONG TAON na at inihuhula ng maraming tinatawag na “psychic” na maraming pagsasama ang hahantong sa paghihiwalay. Tila buwena-mano ang kasaysayang ito. Di ako naniniwala sa mga psychics pero sinasabi talaga ng Biblia na sa huling mga araw ay lalaganap ang talamak na kasamaan (2 Timothy 3).

Humihingi ng hustisya ang isang misis ng dating embahador. Inihabla ni Mrs. Susana Madrigal Bayot Ortigas ang sariling mister na si Francisco Ortigas sa salang concubinage. Si Ortigas ay dating sugo ng Pilipinas sa Mexico, at ang kanyang sinasabing kalunya na kasama sa demanda ay si Marian.

Isinampa ni Mrs. Ortigas ang kaso noong Disyembre 16 ng nakaraang taon sa prosecutor ng Pasig City. Aniya, ibinabahay daw ni Ginoong Ortigas si Marian. Parang telenobela. Dating kaibigang matalik ni Mrs. Ortigas ang babae. Siya pa mismo umano ang pumilit sa mister na kuning alalay si Marian at di akalaing magiging karelasyon ito ni mister.

 Sa sinumpaang-salaysay, sinabi ni Misis na may limang empleyado at dating kasambahay ng mga Ortigas ang nakasaksi at naaktuhang kalambingan ni Ginoong Ortigas ang iba’t ibang babae na nagtatrabaho sa kanila bilang kasambahay.

 Dagdag ni misis, bagama’t mula sa mayaman at ki­lalang pamilya ang asawa, ito ay umaasa lamang sa kanya. Halos lahat na gastusin sa bahay, pati na ang personal na gastusin ni Ginoong Ortigas, ay tinutustusan daw ni Ginang Ortigas. Nasa prosecutory level pa lang ang kaso at hindi dapat husgahan agad ang dating embahador.

 Pero kung totoo ang mga paratang, dapat lang siyang managot sa batas. Ang mga kababaihan ay hindi dapat lapastanganin kundi dapat igalang. Sinuman ang luma­labag sa batas, makapangyarihan man o masalapi ay hindi dapat itangi sa ilalim ng batas.

Hindi nabibili ng sa­lapi ang dangal at respeto. Magkaminsan, may mga taong nangangailangan ng professional help ng mga psychologists kung may taglay na perverted sexual behavior. Ngunit bayaan munang uminog ang pro­seso bago sabihing guilty nga ang dating embahador. Wish ko lang, kung may di pagkakaunawaan ang sino mang mag-asawa, gaano man kabigat ay daanin sa mahinahong pag-uusap at sikaping mapanatili ang pagsasama. What God has put together, let no man put asunder. (Mark 10:9)

FRANCISCO ORTIGAS

GINANG ORTIGAS

GINOONG ORTIGAS

MRS. ORTIGAS

MRS. SUSANA MADRIGAL BAYOT ORTIGAS

ORTIGAS

PASIG CITY

SI ORTIGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with