^

PSN Opinyon

Due process for Palparan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SABI nga,  'rule of law, shall prevail.'

Ito ang suportang gustong ibigay ng mga retiradong heneral kay Major General Jovito Salvana Palparan Jr.,62 years old, habang pinaghahanap ito ng batas para pa­nagutin sa pagkawala ng dalawang UP students.

Si Palparan, ay binansagang 'berdugo' ng kanyang mga naging kaaway ng aktibo pa ito sa militar.

Sabi nga, 'no permanent address.'

Nakipag-ututan dila ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa tatlong retiradong heneral para ibigay ang suporta nila kay Palparan.

Sabi nga, walang kasalanan si Palparan sa inaakusa dito.

Ang sabi nina retired Generals Ike Cuadra, pangulo ng Kawal Mindanao, PNP Chapter, Ely Yoro Jr., chairman ng U.E Knights Incorporated at Bobby Calinisan, da­ting gobernador ng PHILCONSA, sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat bigyan ng 'due process' si Palparan para maipagtanggol nito ang kanyang sarili dahil naniniwala sila na walang kasalanan ito regarding sa kidnapping, torturing, rape at killing.

Si Palparan, ay wanted at almost US$ 10,000 reward ang ibibigay ng gobierno sa sinumang pointers.

Naku ha!

Meron kaya?

Sabi ng tatlong Heneral, dapat bawiin muna ang arrest warrant at hold departure order na inihain laban sa kanya sa kasong kidnapping.

Para lumantad ito at hayaan gumulong ang kasong isinampa laban sa kanya.

Si Palparan, ay hiding somewhere matapos magpalabas ang Bulacan court ng arrest warrant laban todits and three others sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang UP students.

Sabi ng tatlong General sa isinumiteng omnibus motion, pinipilit ni Palparan na alaws sa original reklamo ang mga case problem naisampa laban dito.

Ayon sa information sheet, inakusahan si Palparan at ang tatlo niyang kasamahan ng kasong rape, serious physical injuries, at arbitrary detention echetera.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinisiguro ng palasyo ang 'safety' ni Palparan oras na sumuko ito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos magretiro sa Philippine Army si Palparan ay naging party-list Congressman ito.

Naging prominent figure si Palparan dahil sa kampanya nito laban sa  communist insurgents mula noong July 2003 up to July 2004. 

Dehins pala Aer si Palparan, sa  Cagayan de Oro, Misamis Oriental, ito isinilang. Nagtapos bilang business administration sa UE.

May master's degree sa management sa PCU noong 1994, at master's degree sa national security administration sa NDCP noong 1999.

Nag-active duty sa AFP noong 1973.

Naging lieutenant at napadpad ito sa Basilan at Sulu ng 8 years.

Noong 2001 up to 2003 naging aktibo ito sa kampanya laban sa communist insurgency at naitalaga ito sa Mindoro and Romblon as commander of the 204th Brigade.

Naging commanding general ito ng 8th infrantry (storm troopers) division sa Eastern Visayas.

Naibaba ni Palparan ng 80% ang insurgency problem sa Samar at kung nabigyan pa ng extension ay baka wala na ang mga ito doon.

Tinawag itong 'berdugo' ng kanyang mga kritiko dahil sa umano'y extrajudicial abductions at mga pagtigok ng mga kritiko ng gobierno noong aktibo ito sa kanyang military service.

Pinabulaanan ni Palparan ang lahat ng mga akusasyon sa kanya.

Sabi ng mga kakampi ni Palparan galit lang sa kanya ang iba dahil sa 'closeness' niya kay GMA na kanyang commander in chief noon.

Abangan.

AYON

BOBBY CALINISAN

E KNIGHTS INCORPORATED

EASTERN VISAYAS

ELY YORO JR.

PALPARAN

SABI

SI PALPARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with