ILANG araw na lamang ay media noche na kaya naman walang puknat ang babala ng BITAG.
Hindi lingid sa karamihan na patuloy ang bentahan ng botchang karne ng baboy at manok sa mga pamilihan.
Dinudumog ang mga palengke ngayong panahon na ito, siguradong maraming negosyante ang lumulusot, kumita lamang ng pera.
Ang karamihan, umiestilo pa ng processed foods subalit ang pangunahing sangka na karne, double dead o di naman kaya’y bulok na dapat itinatapon na’y pinasarap pa. Tinimplahan lamang ng mga seasonings para swak sa panlasa ng masa.
May ilan naman, inihahalo ang mga kontaminadong karne sa mga sariwang karne ng manok at baboy para mabenta pa rin ang mga ito sa mas mababang presyo.
Ayon sa mga pribadong sector sa bansa, mapa-nganib ang pagbili ng botcha dahil maaaring magdulot ito ng pagkalason sa taong makakakain nito na maaa-ring mauwi sa kamatayan.
Paalala ng Bitag huwag tangkilikin ang ganitong betahan sa merkado nang di mabiktima ng mga posibleng sakit na dulot ng karneng botcha.
Bagamat marami nang babala ang media at pama-halaan sa ganitong usapin, nakasalalay pa rin sa mamamayan ang ligtas na pagsalubong sa bagong taon sa pamamagitan matalinong pagpili ng ihahanda sa hapag kainan.
Mas mainam na simple lamang ang nasa hapag kainan at kumpleto ang buong pamilya, kaysa naman sa bonggang handaan na hindi ka nakakasi-guro sa karneng iyong iniluto. Mahirap malaga-san ng mahal sa buhay dahil lamang dito.
Bago magtapos ang taong 2011, mag-isip, ma-ging alerto at mag-ingat!