Merry Christmas to All!

TOMORROW ay pasko na kaya naman binabati natin ang lahat ng madlang people all over the world dahil sa okasyong ito.

Dapat tayong magmahalan at kalimutan ang mga nakaraan problema sa life para pagpasok ng panibagong taon ay magkaroon tayo ng ‘new life.’

Merry Christmas!

December 2011!

HINDI magandang pangitain ang nangyari ngayon December dahil sangkatutak ang nangyari at nabalitan ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Thousand of madlang people ang nangamatay dahil sa mga trahedya kaya naman sangkatutak ang nagiiyak up to now.

Bukod sa mga pumanaw nating mga kababayan dahil sa bagyong Sendong at ang mga nasawi noon bumagsak ang eroplanong Queen Air twin engine Beechcraft dyan sa Parañaque may dalawang top brass official ng Philippines my Philippines ang arestado ngayon.

Sabi nga, sina GMA at dating COMELEC chairman Ben Abalos.

Hindi lang ito ang yumanig na balita sa madlang people of the Philippines my Philippines kundi maging ang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay talk of the town ngayon buwan.

Puera pa rito ang mga nai-ulat na mga nawalang ng haybol dahil sa sunog at siempre demolition.

Hindi pa rin kasama dito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, gasolina, tubig, kuryente, pagkain, tuition fees echetera.

Sana sa pagkakataon naranasan ng madlang pinoy ang mga pangyayaring na ikina-uga ng Philippines my Philippines kailangan ns siguro lahat tayo ang tumawag sa Maykapal.

Sabi nga, Amen!

Bounty hunter ngayon wanted deer

SUBJECT ng manhunt operation ang sinasabing ‘berdugo’ ng mga kalaban ng gobierno partikular ang mga ‘no permanent address.’

Si tired este mali retired Major General at alleged human rights violator daw na si Jovito Palparan, former commander ng 7th Infantry Division ng Philippines Army, ay kasalukuyang pinaghahanap ng mga alagad ng batas.

Sabi nga, patay man o buhay?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nagkalat hindi lang sa mga dyaryo o telebisyon halos everyday ay naririnig din sa mga balita na pinaghahanap ng mga authorities sa Philippines my Philippines si paliparan este mali Palparan pala kaya naman punong abala dito ang mga pamilyang inargabiado ng dating general.

Sangkatutak ang payag na ilathala ang litrato ni Palparan sa mga networking para hindi siya makalimutan ng madlang people ang facial nito.

Hanapin si Palparan para panagutin ito sa pagkawala nina UP students Sherlyn Cadapan at Karen Empeño. Sinasabing dinukot daw ito ng militar noon 2006.

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, malabong makapagtago si Palparan sa kabundukan dahil ‘wanted’ person na ito tiyak ang mga taong labas ang unang hahanting sa kanya.

Sabi nga, hindi palulusutin.

Si Palparan, ay dehins pinayagan makalabas sa DMIA ng tangkain daw nitong tumakas papuntang Singapore the other week para malusutan ang anuman problema nito sa korte kung mayroon man.

Totoo kaya ito?

Abangan.

Show comments