Salamat Dr. Jun Cando at Dr. Joseph Choi
TUWANG-TUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, kina Dr. Cando, director ng Ospital ng Tondo at Dr. Choi dahil may naisalba na naman silang isang nilalang na anak ng Dios the other day sa nasabing ospital dyan sa Manila.
Kaya naman malaki ang paghanga ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Manila City Mayor Fred Lim dahil hindi ito nagkamali sa pagpili kay Dr. Cando bilang director ng Ospital ng Tondo dahil sa dami ng mga mahihirap na natutulungan nito.
Siguro Mayor Lim panahon na para si Dr. Cando ang italaga mong director dyan sa Ospital ng Manila, dahil itong ganitong mga doctor ang kailangan ng mga pasyente lalo na ang mga mahihirap na madlang people dyan sa Manila bukod sa magalang, mabait at masipag ay maasikaso pa sa mga kapus palad.
Abangan.
St. Luke's Hospital sa Kyusi
PINASASALAMATAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga doctors sa ER - pedia na sina Drs. Gemme Defensor - Sagun, Allan Manangan, Melissa Rodriguez at Rouselette Eleazar sa ginawang pag-aasikaso sa anak ng Chief Kuwago yesterday morning.
Thanks a lot Doctors!
P. Noy et al versus CJ Corona
SA nangyaring pirmahan blues ng may 188 kongresista the other day impeach na si Supreme Court Justice Renato Corona sa Kamara.
Sabi nga, majority rule!
Ika nga, number game!
Dinala na sa Senate ang impeachment complaint versus CJ kaya naman ang mga Senador ang magsisilbing impeachment court at hahatol kay Corona.
Sabi nga, guilty or not guilty!
Kung matatandaan ng madlang people the same style ang mangyayari kay DJ na nangyari noon kay Erap ang pagkakaiba lamang ay sobrang bilis at grabe as in so many ang pumirmang kongresista laban kay Chief Justice ngayon.
Suportado ng mga kongresista ang kumpas ni P. Noy dahil nga gusto ng huli na lambatin ang lahat ng kurap sa government of the Republic of the Philippines my Philippines para makuha ang 'justice' laban sa mga nagpasasa at nagsamantala sa tiwala ng madlang pinoy noong nakaraan administrasyon.
Sa madaling salita sipain si CJ sa kanyang puesto para daw ma-save ang image ng Supreme Court at hudikatura na sinasabing tuluyan nang sinira ang integridad at kredibilidad.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Isa sa mga isyung ibinabato kay CJ ay hindi daw nakakamit ng madlang people ang hinahanap na fair na proseso ng hustisya hanggang naka-upo pa ito sa kanyang trono.
Para sa Palasyo at ibang kritiko ni CJ kailangan bumaba na ito sa kanyang trono para maibalik daw ang tiwala ng nakakarami sa Supreme Court.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Wala nga bang tiwala ang nakakarami?
Kaya naman sinisigaw ng mga kalaban ni CJ na 'lumayas' na siya sa kanyang kaharian dahil dehins na daw siya karapat-dapat dito.
Naku ha!
Umalis naman kaya?
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa talumpati ni CJ yesterday afternoon mukhang palaban na ito at dehins siya bababa sa kanyang kaharian.
Sabi nga, ipaglalaban ko ang Constitution!
Totoo ba ito?
Nawawalan na ng tiwala ang madlang people sa Supreme Court?
Naku ha!
Ilan kaya sila?
Baka naman mga kaalyado lang ni P. Noy ang may gusto nito kaya wala silang tiwala sa Chief Justice?
Abangan.
- Latest
- Trending