Koronang tinik
PALABAN na si Chief Justice Renato Corona na naninindigang di siya magbibitiw at ipaglalaban ang mga ginawa niyang desisyon bilang Supreme Court Chief Justice. Kung gaano naman siya katapang ay ganun din ang ipinakikitang bangis ng Malacañang.
Nilinaw ng Malacañang na hindi dinidiskaril ang demokrasya ng bansa sa pagbanat ni Presidente Noynoy kay Corona. Ito, ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa, Jr. ay bahagi ng hangad ng administrasyon na maisulong ang mga reporma sa bansa lalu na ang pagsugpo sa graft and corruption. Lakip na rin dito, aniya ang mga pagbabagong dapat ipatupad sa sistema ng hustisya sa bansa.
Palibhasa’y may mga haka-haka na winawasak ng Pangulo ang pundasyon ng demokrasya sa kanyang pakikipagbanggaan sa isang co-equal branch ng pamahalaan. “Hindi” ani Ochoa.
Sabi ng ilang legal experts, constitutionalists, at kritiko ni P-Noy masama ang epekto sa demokratikong proseso porke minadali umano ng mayorya sa Kongreso ang pag-hahatid ng Articles of Impeachment sa Senado na doon ay mga senador ay tatayong mga huwes sa paglilitis..
Ani Ochoa naniniwala ang Pangulo na makabuluhan ang proseso ng paglilitis kay Corona dahil matibay ang paniwala ng karamihan sa pagiging malapit ng punong mahistrado sa dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay nasasakdal sa kaso ng electoral sabotage.
Si Corona ay tinatawag na midnight appointee na sadyang itinanim ni Arroyo sa mahahalagang puwesto sa gobyerno para maproktehan ang sarili at ilang ka- alyado sa inaasahang mga kaso laban sa kanila.
Ayon kay Ochoa ang pagtingin ni P-Noy na hindi
magiging patas at maki-ling si Corona pagdating kay Arroyo at ilang alipo-res ng nakaraang admi-nistrasyon.
Tinuran ng Palasyo ang mga naging pasiya ng Supreme Court ni Corona sa mga kasong kinasasangkutan ng mga nagtrabaho para kay Mrs. Arroyo. Nandiyan ang kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, sa League of Cities in the Philippines, ang Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines, at ang midnight appointment ni Bai Omera-Lucman ng National Commission on Mus lim Filipinos.
Matindi ang naging implikasyon ng mga ito sa bansa,” ani Ochoa.
Ang isyung ito ang mala-telenovelang pangya yari na matamang sinusubaybayan ng mamamayan.
Abangan ang susu-nod na mga pangyayari.
- Latest
- Trending