^

PSN Opinyon

It's all about money!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PINATAKAS ng isang jail guard ang tatlong tsekwa nahaharap sa drug-related charges sa Parañaque City Jail.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pinapuga ay sina Cheung Wai Leung, Long Zong at Chan Tong Lou.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bumili at pina-tsibog daw ng 'bulalo' ng kamoteng si Jail Officer 1 Richard Sillatoc ang kanyang mga kasamahan guardia sibil sa loob ng jail bago isinagawa ang 'jail break' ng tatlong tsekwa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsakitan daw ang tiyan ng mga guardia sibil na kumain ng bulalong binili ng kamoteng si Sillatoc.

Sabi nga, story telling a lie?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Hindi biro ang kaso ng tatlong tsekwa grabe ang nakuhang droga sa mga ito kaya sila nasungkit ng mga autoridad.

Swerte lang ang mga ito dahil alaws death penalty sa Philippines my Philippines dahil kung mayroon tiyak kausap na nila ang mga 'Buddah.' Hehehe!

Alaws lusot si Sillatoc dahil nakita ito sa CCTV na pinupuslit ang tatlong kamoteng tsekwa palabas ng kanilang mabahong selda.

'Paano ngayon ito?' Tanong ng kuwagong inayos ng pitsa.

'Pera kasi ang naging dahilan kaya nagkapugahan?' Sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

'Baka makalabas sila sa airport papunta sa pagtataguan nilang place?'

'Baka iskortan pa sila ng immigration papuntang Taiwan?' sabi ng kuwagong urot.

'Bakit sa Taiwan?' Tanong ng kuwagong haliparot.

'Remember ang 14 Taiwanese na iniskortan ng immigration sa rampa ng NAIA hindi ba sa China naman sila dinala?' Hehehe!

Abangan.

Droga palit pera

ISNABIN dapat ng government of the Philippines my Philippines ang anumang tulong sa mga pinoy na sabit sa illegal drugs sa abroad.

Sabi nga, huwag pansinin!

Huwag tulungan ng gobierno ang mga kamoteng ito dahil malaking kahihiyan ang idinulot nila sa madlang people of the Philippines my Philippines kaya tuloy ang tingin ng ilang banyaga sa pinoy abroad ay very small.

Siguro medyo ok pa habang dinidinig ang case problem nila puede pa silang matulungan ng government pero kung 'guilty' na mas mainam bitawan na ang mga ito lalo't kasong illegal drugs ang problema.

Huwag tayong mag-drama pa kung baga hindi na dapat tayo nagmamakaawa sa gobiernong papatay sa ating kababayan kung droga ang ugat ng problema.

Tama ba, Kamote?

Sabi nga, hindi na gobierno ang may sala kundi sila na!

Alam ng madlang people sa Philippines my Philippines na obligation ng gobierno na tulungan ang mga nanga­ngailangan pero kung sa illegal drugs naman napunta ang isang kamoteng pinoy dapat silang bitawan at magdusa.

Alam ng drug mule ang bitbit nila at alam din nila kung ilang people ang sisirain o mamamatay dahil sa droga nilang dala.

ALAM

AYON

CHAN TONG LOU

CHEUNG WAI LEUNG

CITY JAIL

HEHEHE

HUWAG

PHILIPPINES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with