“Dr. Elicaño, meron pong tumubong white spots sa aking bibig at masakit po. Kapag namamaga ay mas masakit. Kapag kumakain ako ng maaalat at spicy foods ay lalong sumasakit. May nagsabi sa akin na mouth ulcer daw ito. Ano po ba ang mouth ulcer? Pakipaliwanag naman po, Doc?” —Mary Louise E. Daniel, P. Campa St. Sampaloc, Manila
Maaaring mouth ulcer nga o aphthous ang tumubong white spot sa bibig mo. Pero mas mainam kung magpapakunsulta ka sa isang doctor para matiyak kung mouth ulcer nga ang tumubo sa iyong bibig. Ang doctor lamang ang makapagsasabi kung ano talaga ang iyong nararanasang sakit.
Ang mouth ulcer ay tumutubong paisa-isa sa bibig at meron din namang kumpul-kumpol. At masakit o mahapdi ito kapag namamaga. Lalo pang humahapdi kapag kumain nang maalat o maanghang.
Ang kakulangan sa nutrition ang itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng mouth ulcer. Kapag kulang sa Vitamin B, iron, zinc, may food sensitivities, allergies at emotional stress lalong lumalala ang mouth ulcer.
Mahusay na source ng Vitamin B ang gatas, patatas at whole grains. Mapagkukunan ng zinc ang nuts, seeds, shellfish at itlog. Kailangan ang folate para mapanatiling malusog ang lining ng cells sa bibig. Matatagpuan ang folate sa mga mabeberdeng dahong gulay at whole grains.
Batay sa pag-aaral, karaniwang babae ang nagkaka- roon ng mouth ulcer at ito ay iniuugnay sa kanilang menstrual cycle. Ang iba pang dahilan ng mouth ulcers ay dental problems katulad nang pagkakaroon nang sungki-sung- king mga ngipin o ang maling pagpapasta na lumilikha ng pinsala sa bibig. Dahilan din ang impeksiyon sa bibig.
Kapag may mouth ulcers, iwasan ang mga maaalat, matatamis at acidic na pagkain. Iwasan ding uminom ng alak.