^

PSN Opinyon

Ang daraanan ng Panginoon

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang ikalawang linggo ng Adbiyento, ang paghahanda natin sa daraanan ng Panginoon upang hanguin tayo sa pagka-alipin ng kasalanan. Tambakan natin ang mga lambak at baku-bakong daan ng ating buhay. “Narito ang iyong Diyos.” Tayo’y Kanyang kakalingain sa sarili Niyang bisig tulad ng pagtitipon ng pastol sa kanyang mga tupa.

“Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.” Ito rin ang ating paghahanda hindi lamang sa Kanyang darating na kaarawan, kundi sa bagong langit at lupa na dapat nating hintayin. Huwag nating kalimutan ayon kay Pablo ang ating lubusang pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos sapagkat hindi Niya nais na tayo ay mapahamak. Hindi Niya nalilimutan ang Kanyang pangako: Siya ay magbabalik “ang isang araw ay sanlibong taon at ang sanlibong taon ay isang araw lamang.”

Sa mga nagaganap ngayong kalamidad sa bawa’t bahagi ng daigdig ay isang malinaw na paala-ala sa atin na malapit na ang Kanyang muling pagdating. Abalang-abala tayo sa mga paghahanda upang maiwasan at maligtas sa anumang dagok ng tadhana: Ulan, baha, lindol, bagyo, unos at pagsabog ng mga bulkan. Maraming ahensya ng pamahalaan ay nagtuturo sa atin upang maiwasan ang kalamidad na ito. Nadinig ba natin sa kanila na sa ating paghahanda ay magsisi din tayo sa ating mga nagawang kasalanan?

Ang Diyos ang lumikha sa lahat ng bagay sa daigdig at kalawakan. Kung sa ating paghahanda ay lubusan tayong magsisi at magpanibagong buhay ay pagagandahin ng Diyos ang ating daigdig. Ang unang mensahe ni Hesus sa ebanghelyo ayon kay Marcos ay ang hula ni Propeta Isaias na paghandaan natin ang daraanan ng Panginoon. Ito rin ang sinabi ni Juan na sumisigaw sa ilang: “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga

 kasalanan at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos”. Tayo ba’y tunay na naghahanda sa pagdating ng Pangino­on o pawang paghahan­da lamang ng kasayahan sa Kaarawan ni Hesus? Kapansin-pansin na ang mga Christmas tree ngayon na simbolo ng liwanag na gumabay sa mga pastol at mga mago patungo ay hindi ayon sa ating pana-nampalataya. Ito’y pawang mga dekorasyon lamang. Wala ang belen na simbolo ng pagsilang ni Hesus sa sandaigdigan. Para bang wala na rin ang simbolo ng mga anghel na nag-aawitan sa sanggol na si Hesus na “Gloria in excelsis Deo”.  Mas marami pa ang nadidinig nating awitin na Jingle bell at Rudolf the red nose reindeer.

Panginoon, patawarin mo po kami.

Isaias 40:1-5, 9-11; Salmo 84; 2Pedro 3:8-14 at Marcos 1:1-18

vuukle comment

ANG DIYOS

ATING

DIYOS

HESUS

HINDI NIYA

KANYANG

PANGINOON

PROPETA ISAIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with