^

PSN Opinyon

Bangis ng MPD sa riding-in-tandem

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ANG Manila Police District (MPD) pa lamang ang nakatutugon sa kautusan ni DILG secretary Jesse Robredo at PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome sa paglipol sa mga riding-in-tandem. Ito’y matapos ang sunod-sunod na engkuwentro ng mga tauhan ni MPD Officer-in-Charge Senior Supt. Alejandro Guttierez na nagresulta ng pagkamatay ng mga riding-in-tandem sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Ayon kay Guttierez, inatasan niya ang lahat ng Station Commanders na pag-ibayuhin ang pagpatrulya sa mga lansangan tuwing sasapit ang dilim, dahil ito ang kadalasang oras ng panghaharibas ng mga kilabot sa lansangan.

Maging ang mga operating unit ng MPD ay round the clock ang pag-monitor sa kapaligiran upang tugunan ang mga reklamo ng mga nabibiktima. Kaya kung inyong napapansin tanging ang MPD lamang ang inyong makikitaan ng mga check point sa mga ilang lugar na madalas daanan ng mga riding-in-tandem. Kaya humanga si Bartolome sa ipinakitang gilas ng mga tauhan ni Guttierez.

Katulad na lamang noong November 9 ng madaling araw sa Quezon Boulevard underpas. Dalawang kilabot na riding-in-tandem ang bumulagta nang makasagupa nito ang mga nagpapatrulyang tauhan ni Supt. Rolando Balasabas ng Sampaloc, Police Station-4. Nangholdap ang mga suspek sa university belt at naitawag kaagad sa PS-4. Gayundin ang sinapit ng apat na riding-in-tandem noong November 17 at 18 sa Tondo, Manila. Unang nakasagupa at napatay ng mga tauhan ni Supt. Jemar Modequillo ang dalawang holdaper sa kahabaan ng Moriones St.. malapit sa Dagupan St., noong Huwebes ng madaling araw. Hinoldap ng mga ito ang isang lalaki sa Road-10 corner Capulong St.

Bumulagta rin ang riding-in-tandem na nangholdap sa dalawang babae sa Tutuban Complex noong Biyernes ng madaling araw. Namataan sila ng mga nagpapatrulyang tauhan ni Modequillo sa Narra corner Padre Algue St. Armado sila ng 9 mm at 38 caliber pistol at naka-bonette.

Ewan ko kung sa ibang police district sa Metro Manila ay may kakayahan din silang sumagupa sa mga riding-in-tandem. Katulad na lamang sa nangyaring pamamaril ng dalawang riding-in-tandem sa Market Inspector at   OIC ng security guard ng Commonwealth Market sa Quezon City noong November 9 ng madaling araw. Kasi nga dismayado ang sambayanan sa walang sulusyong ipinakita si QCPD Director George Regis.

Abangan!

ALEJANDRO GUTTIEREZ

CAPULONG ST.

COMMONWEALTH MARKET

DAGUPAN ST.

DIRECTOR GEORGE REGIS

GUTTIEREZ

JEMAR MODEQUILLO

RIDING

TANDEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with