^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pati pera ng taumbayan ay ikukumpromiso

-

NAGKAMALI na naman marahil ang mga adviser ni President Noynoy Aquino ukol sa doctor na gagamot kay dating President Gloria Macapagal-Arroyo. Okey na yung matigas na pasya na hindi papayagang makalabas ng bansa ang dating presidente para doon magpagamot pero nag-offer pa na maaari raw kumuha ng doctor sa ibang bansa at ang gobyerno ang bahalang gumastos. Ano bang offer ito? Para bang binigwasan muna saka inalok ng kendi. Kung binigwasan na, yun na yun at wala nang mga kung anu-ano pang kadramahan.

Ang Philippine Medical Association na rin ang nagsabi na maraming doctor dito na kayang gamutin ang sakit ni Mrs. Arroyo kaya para ano pa at mag-ooffer ng doctor na dayuhan at pera ng taumbayan ang gagamitin. Ikinatuwa naman ng kampo ni Arroyo ang offer ni P-Noy pero naninindigan pa rin sila na dapat ay sa ibang bansa magpagamot ang dating presidente. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit maraming bansa ang nais puntahan ni Mrs. Arroyo para magpagamot. Nakapagdududa tuloy na baka hindi na ito bumalik makaraang magpagamot. Pero sabi naman ng kampo ni Arroyo, babalik ito at haharapin ang mga kasong nakasampa kabilang ang plunder at pandaraya sa election.

Hindi naman dapat ikumpromiso ng Aquino administration ang pera ng taumbayan para gamitin sa pagkuha ng dayuhang doctor. Bago si Arroyo na batid naman ng lahat na maraming pera at kayang magpagamot, ang mahihirap na mamamayan na maysakit ang unahing gastusan. Maraming batang maysakit na nangangailangan ng pera para sa kanilang operasyon ang dapat na pagtuunan ng pansin. Maraming pasyente ang nakapila sa mga government hospital na inaabot ng araw o linggo bago ma-admit. Maraming na-ngangailangan ng gamot pero hindi makabili dahil sa sobrang kamahalan. Maraming namamatay na hindi na naeeksamin ng doctor.

Sila ang dapat unahin sapagkat sila ay walang-wala. Sa kanila gamitin ang pera at hindi sa isang nakaririwasa.

ANG PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

ANO

AQUINO

ARROYO

IKINATUWA

MARAMING

MRS. ARROYO

NAKAPAGDUDUDA

P-NOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with