^

PSN Opinyon

Editoryal - Ba't hindi unahin ang Al-Barka?

-

SA Al-Barka, Basilan patraidor na inambus ang 40 sundalo na ikinamatay ng 19 noong Oktubre 18. Pero ang kakatwang nangyayari ngayon ay inuuna pang durugin ang MILF rebels na nasa Zamboanga Sibugay. At ang report ng military, nagtagumpay na sila sa pagkubkob sa kuta ng MILF sa Sibugay. Ayon pa sa report 13 na ang napatay na rebelde sa nasabing lugar. Pero ang isang kakatwa pa ay hindi nila nahuli ang sinasabing lider ng MILF doon na si Kumander Wahid Abdulsalam na lalong kilala sa alias na Kumander Waning. Paano kaya nagtagumpay kung ang sinasabing lider ay hindi nila napatay. Pawang haka-haka ang balitang nasugatan daw si Waning.

Habang dinudurog diumano ang mga rebelde sa Sibugay ay nadudurog naman ang puso ng mga kaanak ng 19 na sundalo na napatay sa Al-Barka. Paano’y 12 araw na ang nakalilipas mula nang maganap ang patraidor na pananambang, ay wala ni isa mang rebeldeng MILF na napapatay sa Al-Barka. Halos nailibing nang lahat ang mga sun­dalong napatay (ang huling inilibing ay si 2nd Lt. Jose Delfin Khe) subalit wala pang napapanagot o napapatimbuwang sa mga rebeldeng nanambang.

Bakit ba inuna pa ang Zamboanga Sibugay kaysa Al-Barka? Kung inuna ang Al-Barka baka meron nang nakitang hustisya ang mga kaanak ng 19 na sundalo. Baka hindi na gaanong nadudurog ang kanilang puso at hindi na gaanong nagngangalit ang kanilang ngipin. Uhaw na uhaw na sila sa hustisya. Maski ang kapatid na sundalo ng napatay na si 2nd Lt. Khe ay tila nagtitimpi at gusto nang siya ang sumugod sa Al-Barka para maipaghiganti ang kapatid na namatay na isang bayani. Nagkaroon naman ng takot ang ina ni Khe sapagkat pinagbibitiw na sa pagsusundalo ang isa pang anak. Ayaw na raw niyang maulit ang malagim na pangyayari.

Igawad ang hustisya sa 19 na sundalo. Unahin muna ang Al-Barka na pinamumugaran ng mga rebeldeng tunay na kaaway ng gobyerno. Bago pa may ambusin muli sa lugar na iyon, pulbusin na sila.

vuukle comment

AL-BARKA

BARKA

JOSE DELFIN KHE

KHE

KUMANDER WAHID ABDULSALAM

KUMANDER WANING

PAANO

PERO

SIBUGAY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with