ASKING for help ang mga pinagkakatiwalaan mga kasangga ni Axel Gattermann, isang German national na kinuha ni Lord last October 18.
Bago pumanaw si Axel ay hiningi niya ang tulong ng mga kasangga na kung maari kapag siya ay bumigay at kinuha ni Lord dapat ang kanyang labi ay sunugin pero ang malaking problema ay ayaw pumayag ang German consulate todits sa Philippines my Philippines dahil kailangan may next of kin na magbibigay ng basbas o go signal sa kahilingan ng yumaong Kuyang.
Kuento nina VW Johnson Lee at Robert Savellon, ng Maktan Lodge No. 30, dyan sa Cebu City, na kinontak na nila sa Germany ang mga close friend ni Axel para ipagbigay alam sa kanyang mga utol o kamag-anak ang nangyari dito para manahimik na ang kaluluwa na sa palagay nila ay floating in the air ngayon kasi nga dehins pa naibibigay ang kanyang request.
Ang problema ay hindi makontak ang family nito sa Germany kaya hangin in the air ang mga kasangga dahil hindi na sila mapalagay porke matindi na ang gastos nila sa funeral parlor.
May handwritten letter pang pinadala ang mga kasangga ni Axel na nagpapatunay sa kahilingan nitong sunugin ang kanyang body kapag natigok siya, pati ang passport at death certificate ay ipinadala na rin sa German Embassy para pagbigyan na ang kanilang request.
Humingi ng tulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kasangga ni Axel para ipabatid sa German Embassy na hindi biro ang gastos na pinapasan nila sa ngayon kaya naman sana ay bigyan sila ng pag-asa o sila na mismo ang komontak sa mga pamilya nito sa nasabing lugar.
Nakikiramay ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkamatay ni Axel pati na rin sa mga kasangga nitong naghahati-hati para pambayad sa funeral parlor.
Abangan.
Kanata Int’l Visa Assistance, kinasuhan
SINAMPAHAN ng case problem sa Makati Prosecutors Office ang KANATA INT’L VISA ASSISTANCE. sa may 10th Flr. 10-A Jaka Bldg. 6870 Ayala Avenue, Makati City, ang kaso ay Syndicated Illegal Recruitment at Estafa (Violation of Sec. of R.A 8042).
Ang complainant ay si Marilou at Jojo Perez, watot nito.
Ang mga kinasuhan ay sina Len Pagsanjan, Helen Reloso, Marianne Reyes at Isabel Ignacio pawang mga consultant ng Kanata sa sala ni Assistant City Prosecutor Melquiades Mutiangpuo ng Makati City Prosecutors Office na may Docket No. XV05INV-02544.
Sa information, nabasa daw nila sa isang dyaryo na nagpa-advertisement daw ang Kanata Int’l Visa Assistance at ipinagmamalaki nila na mabilis daw sila magpaalis ng kliente going to US at Canada kaya naman ay naengganyo ang mag asawa at kanilang pinuntahan ang tanggapan ng makaipon ng sapat na halagang kakailanganin.
‘Sana magka-ayos kaya at dapat lang dinala sa prosecutor’ office ito para malaman kung sino ang may mali.’
Abangan.
Si Pacman at ang Ferrari
NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Sarangani Rep. Manny ‘Pacman’ Pacquiao, dahil niregaluhan niya ang kanyang sarili ng isang magarang sasakyan ‘Ferrari’ ito.
Sana ingat sa driving Pacman dahil hindi biro ang kotse mo porke super bilis iyan.
Basta ang mapapayo ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Pacman keep up the good work and defend your crown.
Sabi nga, good luck!