'Sagot ng Standard Insurance'
KINAILANGAN pang manghimasok ng BITAG para masolusyunan ang problemang matagal na sanang natapos.
Sumbong ng nagrereklamong OFW na lumapit sa aming tanggapan, July 2010 nang ipaabot niya sa Standard Insurance sa Sta. Ana, Manila ang pagkasira ng bumper ng kanyang sasakyan.
Dahil insured dito ang sasakyan, inasikaso ito ng kompanya at ipinadala sa accredited auto shop nila sa Dasmariñas, Cavite. Pero ang problema, chop-chop na ang kanyang kotse at tanging kaha na lamang ang natira nang ito ay datnan niya.
Mahigit isang taon ding pinaikut-ikot ang biktima at kung hindi pa nanghimasok ang BITAG, hindi pa nito madidiskubre na nakatengga lang pala sa motorpool ng kompanya ang kanyang sasakyan.
Sa aking panayam sa kinatawan ng Standard Insu-rance na si 1st Vice President Elena Enfestan, itinanggi niya na accredited ng kanilang kompanya ang auto shop na pinagdalhan sa kotse ng biktima. Kung hindi naman pala accredited ang nasabing auto shop, bakit sa umpisa pa lang ay hindi ito ipinaalam ng inyong mga empleyado sa inyong kliyente?
Makailang ulit na lumapit ang nagrereklamong OFW sa Standard Insurance pero ipinagsasawalang-kibo lamang ito ng mga nakakausap na empleyado.
Ipinarating namin ito kay Ms. Enfestan, at nangako naman siyang gagawan ng paraan at aaksiyunan ang problema.
Para sa nagrereklamong OFW, babayaran na lamang nila o kung hindi man ay papalitan ang sasakyang tuluyang nasira sa kanilang pangangalaga.
Ayon kay Insurance Commissioner Emmanuel Dooc, ang ganitong kapaba-yaan ay hindi dapat na ipinagsasawalang bahala.
Dapat ay sinisiguro ng insurance company kung credible ba ang mga accredited auto shop na pinagdadalhan ng kotse ng kanilang mga kliyente. Ang pagpapaayos ng sasakyan sa in surance company sa kasong ito ay dapat na tumagal lamang ng isang linggo at hindi na umabot pa ng isang taon.
Payo ni Commissioner Dooc, huwag isantabi ang ganitong rekla-mo at asikasuhin ka agad ang problema ng nasabing kliyente. Ang ganitong mga insidente ang nakapagpapasi-ra sa ima he ng mga reputableng kompanya tulad ng Standard Insurance.
Babala ng BITAG sa Standard Insurance at sa iba pang insurance companies sa bansa, hindi biro ang nakaatang na responsibilidad at tiwalang ibinibigay ng inyong mga nagbabayad na kliyente.
At para sa mga kli-yente ng insurance company, huwag manahimik at magsawalang-kibo kung may napapansing kamalian sa serbisyo nito.
- Latest
- Trending