Standard Insurance, magpapasira ba kayo rito? (Huling Bahagi)

SIMULA Mayo 2010 hanggang Agosto 2011, walang kamalay-malay ang OFW na lumapit sa BITAG na ang kanyang ipinagawang sasakyan ay nasa motor pool na pala ng Standard Insurance sa Sta. Ana, Manila.

Kung hindi pa nanghimasok ang BITAG, hahayaan na lamang ng mga nagsasawalang kibong empleyado ng Standard Insurance ang biktima na mabaliw sa kakahanap ng kanyang sasakyan.

At kung ano ang huling itsura na nakita ng OFW sa kanyang sasakyan sa auto shop na accredited umano ng nasabing insurance, ganoon pa rin namin ito nakita sa motorpool.

Kaha na lamang at wala na ang mga internal parts and accessories nito. At eksenang iyon ang lalong nagpasama ng loob ng biktima, dagdag sa mahigit isang taong pambabalewala sa kanya ng Standard Insurance.

Ang tanong, bakit hindi man lamang inabisuhan ng Standard Insurance ang kanilang kliyente na nailipat na ang sasakyan nito sa kanilang motorpool?

Ayon sa claims manager ng Standard Insurance na nakausap ng mga BITAG undercover, abogado na lamang daw nila ang makikipag-usap sa abogado ng biktima.

Nakakawalang gana ang inaasal ng mga empleyado ng Standard Insurance simula sa pabayang branch nila sa Dasmariñas, Cavite at sa kanilang main office.

Ganyan ba ang pagsolusyon n’yo sa problema ng mga kliyenteng nagbabayad sa inyo upang magpa-seguro?

Kung tutuusin, terrible ang inabot ng nagrereklamo sa inyong trabaho dahil kung hindi pa nanghimasok ang BITAG, hindi kayo kikilos.

Hindi lalabas ang ka­­ to­tohanan na nais ma­laman ng nagrerekla- mong kliyente na mata-gal nang wala sa Cavite ang kanyang sasakyan.

Talagang sa bawat organisasyon, grupo, samahan, tanggapan at opisina, may tinatawag na masamang damo o masamang tupa.

Maihahalintulad ang kasong ito sa mga magulang na hindi nababantayan ang pinagga­gagawang kalokohan ng kanilang mga anak.

Posibleng mga tao lamang sa ibaba ng Standard Insurance ang gu­ magawa ng kapalpakan, kapabayaan at ka-angahan. Subalit hindi ito nalalaman ng nakatataas sa kanila.

Reputableng kum-panya ang Standard Insurance Co. Inc. kaya sa kolum na ito, ipina­paba-tid namin ang trabaho ng mga bugok niyong tao.

Bukas ang tangga­pan at programa ng BITAG sa inyong p­anig para sa tuluyang solus­yon sa kasong ito.

Standard Insurance Co. Inc., pasisira ba kayo rito?

Show comments