^

PSN Opinyon

Sa Marikina uli

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MASUWERTE ang contractor ng Tom Nichols Engineering and Maintenance. Sila ang nanalo sa dalawang proyekto ng sidewalk improvement at concreting of pavement sa Marikina City. Ang unang proyekto ay ang sidewalk improvement sa Kaginhawaan, Kapayapaan, Kasaganahan, at Katarungan Streets sa Countryside Subd., sa Barangay Concepcion 1 na nagkakahalaga ng P1.6 milyon at ang concreting of pavement and roadside improvement sa E. Mendoza St. sa Barangay Sto. Nino na aabot sa halos P3 milyon. Sa minutes ng session ng City Council noong Setyembre 21 lumalabas na ang proyekto sa E. Mendoza St., at Katarungan St. ay hindi pa naumpisahan, ang sa Kasaganahan at Kapayapaan Sts. ay 10 percent ang naumpisahan at sa Kaginhawaan St. ay 99 percent ng tapos. Tulad ng naunang road repairs at improvements projects sa Marikina, itong ginagawa ng Tom Nichols Engineering and Maintenance ay dahil lamang sa kontratang pinasok ni Mayor Del de Guzman at ang nararapat na resolution ng City Council ay inihabol na lamang. Ang suwerte ng contractor nito.

Tama ba na simulan na ang mga proyekto kahit hindi pa naipasa ang resolusyon ng City Council? ’Yan ang katanungan sa session ng City Council noong Sept. 21. Ang sagot? Sa dahilang ang kopya ng BAC (Bids and Awards Committee) resolution ay napakarami, ang mga miyembro na lamang ng Komite ang binigyan ng sipi nito upang mapag-aralan. Hinggil sa mga sinimulan ng proyekto, ang mga ibang dokumento ay ngayon lamang naisumite. Pag-amin kaya ito ng katiwalian? Ang importante, ayon sa may akda, ay mabigyan ng “authority” ang mayor bago pumirma sa mga kontrata. Ang risk, aniya, ay nasa mga kontraktor na. Ano ba ‘yan?

Idinagdag pa ni Konsehal de Leon na nararapat na mayroong prior Sanggunian Resolution sa mga proyektong ipinapa-bid. Iminungkahi pa ni De Leon na ayusin ng BAC members ang lahat ng bagay at kaila­ngang napakaloob  sa RA 9184 ang Procurement Plan upang maiwasan ang mga problema. Itong mga resolution ay ipinasa nang madalian at noong absent ang palaban na konsehal ng Marikina na si Elmer Nepomuceno.

Malinaw sa session ng mga konsehal na meron silang pinaikutang batas. Subalit magkano, este, ano ang dahilan at paulit-ulit nilang ginagawa ito? Mukhang may sabwatan? Abangan!

BARANGAY CONCEPCION

BARANGAY STO

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CITY COUNCIL

COUNTRYSIDE SUBD

DE LEON

ELMER NEPOMUCENO

MENDOZA ST.

TOM NICHOLS ENGINEERING AND MAINTENANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with