Pag-rescue sa 2 Pinay helpers ng mga Gadhafi
INIHAIN ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada kamakailan ang Senate Resolution No. 611 na kumikilala kay Philippine Labor Attaché to Libya Nasser Mustafa at sa Philippine Embassy kaugnay ng pagliligtas nila sa dalawang Pinay helpers sa bahay ng pamangkin ni deposed Libyan leader Moammar Gadhafi sa Tripoli, Libya. Ang dalawang Pinay helpers na na-rescue ay sina Diana Jill Rivera at Mary Ann Ducos.
Una rito, paulit-ulit na nakiusap ang embassy sa mga Gadhafi na hayaang makauwi sa Pilipinas ang mga OFW, pero tumanggi ang mga ito. Noong Setyembre 17 ay nilusob ng mga rebelde ang farmhouse at tinangay ang mga kagamitan ng mga Gadhafi pati na ang mga nagtatrabaho roon. Malaki ang peligro sa kaligtasan ng mga OFW dahil inaasahang babalik pa roon ang mga rebelde.
Kasama ang embassy driver at isang kaibigang Libyan national na nagsisilbing interpreter sa Philippine Overseas Labor Office (POLO), tinungo ni Mustafa ang nasabing lugar noong Setyembre 19 at ni-rescue sina Diana at Mary Ann. Dinala sila sa Tunisia.
“The courage and devotion to duty shown by Labor Attaché Nasser Mustafa and other members of his rescue team, as well as the cooperation extended by OFWs Diana Jill Rivera and Mary Ann Ducos, deserve the collective appreciation of and commendation by the Philippine Senate,” sabi ni Jinggoy.
* * *
Birthday greetings: Olongapo Mayor James “Bong” Gordon (October 1); House Speaker Sonny Belmonte (Oct. 2); Sulu Rep. Hussin “Iting” Amin (Oct. 3); Kuya Germs “Master Showman” Moreno (Oct. 4); Laguna Governor ER Ejercito (Oct. 5); at Zamboanga del Sur Gov. Antonio Tony Cerilles (Oct. 7).
- Latest
- Trending