^

PSN Opinyon

'Tulisan!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

TULISAN ng lansangan, eto ang bansag sa ilang mga walang modong towing boys. Sila yung madalas ireklamo dahil sa walang harabas nilang paghihila ng mga sasakyan.

Daig pa nila ang mga karnaper sa kanilang estilo. Harap-harapan aagawing pilit ang inyong sasakyan. Malakas ang loob ng mga putok sa buhong towing boys kahit pa karamihan sa mga ito ay hindi naman kinikilala ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Pangunahing kuwalipikasyon kasi bago magsagawa ng paghila ng mga sasakyan ang accreditation ng MMDA sa towing company. Modus ng mga dorobo na sapilitang kunin sa may-ari ang sasakyan nito kahit sandali pa lamang itong nakahinto.

Ang mga kolokoy na towing boys, sinasamantala ang pagkakataon na hilahin agad ang mga sasakyan sa anumang dahilan na nahuli nila itong huminto sa daan. Ayon sa MMDA, ang mga sasakyang naflat-tan o nasiraan ay binibigyan muna ng sapat na oras para maisaayos. Kung hindi naman nakahambalang at nakasasagabal sa traffic, hindi kinakailangang hilahin ang sasakyan.

Kaya naman halos linggu-linggo na lang, mayroong bagong reklamo sa tanggapan ng BITAG kaugnay sa mga dorobong towing boys na ito. Ang siste, yung mga hindi accredited ng MMDA pa ang masigasig na nanghuhuli at pasimuno ng korupsiyon makakubra lamang ng pera mula sa kanilang mga biktima.

Pati tuloy ang mga legal at accredited na towing company sa bansa ay nagkakaroon na ng masamang imahe sa publiko.

Paalala ng BITAG sa lahat ng sumusu-bay­bay sa kolum na ito, bawat motorista ay may responsibilidad na alamin ang batas at kanilang karapatan. Proteksiyon ito upang maiwasang maging biktima ng mga tinaguriang tulisan ng lansangan.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan namin sa MMDA, hindi titigilan ng BITAG na tugisin ang mga manggagan­tso at mapagsamantalang iligal na towing companies na nagkalat sa buong Metro Manila.

vuukle comment

AYON

DAIG

HARAP

KAYA

MALAKAS

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PAALALA

TOWING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with