^

PSN Opinyon

Juan Time

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG aking anak ay labing isang taong gulang na at nasa grade 5. Mula nang magkamalay ito’t nag-umpisang pumasok sa paaralan, lagi na lang niyang litanya sa umaga ang huwag sana siyang ma-late sa iskwela. At hindi nga ito nale-late. Ang karaniwang dating niya sa iskwelahan ay 30 minutes bago mag-bell.

Sa kanyang kabataan, naunawaan ng Pinoy ang kaha­lagahan ng pagiging on-time. Nanunuot pa sa buto ang kahihiyan kapag hindi ito makasunod sa oras na tinakda para sa lahat. Subalit sa kanyang pagtanda, may nagbabago. Ang respeto sa tamang oras ay naglalaho at napapalitan ng kampanteng pagtanggap na ok lang ang ma-late ng kaunti – hanggang 30 minutes! Napakalawak na ng ganitong pag-iisip sa lipunan na naging bahagi na ng ating kultura           ang pagtanggap sa kaugaliang ito kung kaya’t nabansa-          gan pa ito ng sarili nitong tawag na “Filipino Time”.

Para bang sa pagkilala dito ay nababawasan ang masamang pagtingin sa isang gawaing kung tutuusi’y kabastusan. Hindi lang ito kawalan ng respeto sa kapwa, kawalan din ito ng pagiging produktibo dahil sa oras na nasasayang. Kung i-suma total ang lahat ng “kaunting” oras na nauubos sa paghintay sa “filipino time” ng ka-appointment mo, malaki laki rin ang nawawala. Higit sa lahat, pruweba ito ng kawalan ng disiplina. Ang Filipino time ay pambansang kahihiyan.

Kaya ok ang kampanya ng Department of Science and Technology na ipaalala muli sa Pilipino ang kahalagahan ng pagiging on-time lagi. Ang proyektong “Juan Time” ay naglalayong isanay ang Pilipino sa iisang official Philippine timekeeper – ang PAGASA Philippine Standard Time (PST) – at sa epektibong time management upang hindi siya malusotan ng mga mahahalagang bagay dahil lang naubusan ng oras.

Noong nabubuhay pa si President Cory, isa sa pina­kasiryoso niyang adhikain ay ang pagtulak ng mga hakbang upang mahango ang Pilipino sa nakasanayan nang bisyo ng pagiging late. Isa ito sa mga progra­mang napapanahon at karapat dapat lamang na itaguyod ng administrasyon ni President Noynoy.

* * *

Isang taos pusong pagbati sa readers natin sa PLM na la-ging nasa Juan Time sa pa­ngu­nguna ni Mr. Edmund Ordinario ng Accounting Department.

ACCOUNTING DEPARTMENT

ANG FILIPINO

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

FILIPINO TIME

JUAN TIME

MR. EDMUND ORDINARIO

PILIPINO

TIME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with