^

PSN Opinyon

Gunless society

Panaginip Lang -

MAINIT ang usapan ngayon tungkol sa batang nakalusot sa isang mall dala ang isang baril na ginamit niya para barilin ang isang kakilalang bata rin. 

Hindi na natin pag-uusapan kung ano ang dahilan ng patayang ito. Hindi rin ako magkokomento tungkol sa mga personal na dahilan ng pamamaril na ito. Ang batang namaril na nagpakamatay din sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili ay 13-anyos. Napakalungkot.  

Nauna sa pangyayaring ito ay ang pagpatay naman ng isang ginang sa kanyang asawa at nadamay ang isang guwardiya. Nangyari rin sa isang mall. 

Sa mga pangyayaring ito, hirit ng ilang taga-pamahalaan na kailangan daw maghigpit ng seguridad ang mga malls upang tiyaking walang nakakapasok na armadong tao dahil bagamat pribado ang malls, maituturing na pampubliko ito. Ang iba naman ay nais na kasuhan ang security guard kung saan daw nakalusot ang armadong bata at ginang. 

Sa akin ay simple lang ang solusyon dito at noon pa man ay paninindigan ko na ito. Ipagbawal sa lahat ng mamamayan na magkaroon ng baril. Ang tanging puwedeng magdala ng baril ay mga pulis at sundalo na nakauniporme. Sa paraang ito, sino mang wala sa uniporme, kahit ba pulis, sundalo o mataas na opisyal ng bayan ay maituturing na may iligal na ginagawa. Maaa-ring damputin ang sinumang armado basta naka-sibilyan. 

Mabilis na solusyon ito at hindi pa gagawing komplikado muli ang batas tungkol sa pag-aari ng baril. Kung walang baril ano ang gagamitin ng criminal at iba pang maiinit ang ulo. Kung bugbugan o saksakan lang hindi kasinglala ng barilan. 

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

BARIL

IPAGBAWAL

ISANG

MAAA

MABILIS

NANGYARI

NAPAKALUNGKOT

NAUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with