^

PSN Opinyon

Laganap ang illegal sa Camanava area

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI na maikaila ni Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Antonio Decano ang papel niya sa pag­laganap ng pasugalan, bold shows at iba pang ille­gal sa Camanava area. Lumutang kamakailan ang pangalan ni Chief Insp. Crisanto Lleva bilang protector umano ng mga illegal sa Camanava. Si Lleva ang tumatayo sa ngayon na security officer at aide-de-camp ni Decano. Paano ngayon masasabi ni Decano na wala siyang alam sa mga pasugalan at iba pang illegal sa Camanava kung nandyan si Lleva sa kanyang tabi?

Si Lleva ay dating miyembro ng Caloocan City police bago maging hepe ng District Intelligence Unit (DIU) ng NPD. Ang DIU ay may butas sa lahat ng illegal sa Camanava. At dito sa DIU nakita ni Decano si Lleva at ginawa siyang security officer at aide-de-camp nito. Mukhang malaki ang papel na ginagampanan ni Lleva sa tong collection activities naman ni PO3 Rodolfo “Jojo” Cruz na hanggang sa ngayon ay nananagana pa sa Camanava. Sa pagkaalam ko may ginagawang action ang NCRPO laban kay Cruz, tulad ng pagkuha ng video at iba pang ebidensiya laban sa kanya, subalit hanggang sa ngayon ay nagwawala pa ito sa kalye.

Lumutang ang pangalan ni Lleva na sangkot sa pagkakitaan sa Camanava nang maaresto ng intelligence division ang mga bataan ni Ed Pineda, ang financier ng jueteng sa Camanava. Ang pagkahuli ng limang bet collectors ang unang accomplishment ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome laban sa jueteng. Nangako si Bartolome na hahabulin niya ang jueteng sa lahat ng sulok ng bansa. Sinabi ng mga naaresto na meron silang lingguhang parating kina Lleva at Cruz, na malaking halaga ang hinihinging payola. Dapat paimbestigahan ito ni Bartolome at sibakin sina Lleva at Cruz kung may matibay na ebidensiya.

May balita ako na nagta-talak si Decano sa pagkahuli ng mga bataan ni Pineda su-balit wala siyang magawa dahil ang raid ay utos ni NCRPO chief Dir. Alan Purisima. Si Decano ay sagradong bata ni Tingting Cojuangco. Suba­lit habang tumataas ang kaso ng riding-in-tandem sa Camanava, mukhang nagkamali si Cojuangco sa pag-indorso kay Decano. Abangan!

ALAN PURISIMA

ANTONIO DECANO

BARTOLOME

CALOOCAN CITY

CAMANAVA

CHIEF INSP

CRUZ

DECANO

LLEVA

SI LLEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with