^

PSN Opinyon

"Mga tinik sa bulaklak"

- Tony Calvento -

ANG INA AY INA. Para sa kanila hindi maaring manakit ng kahit langaw ang kanilang mga anak lalo na manggahasa ng isang babae.

Tatlong mga ina… iisa ang pakiusap. “Tulungan niyo kami walang kasalanan ang mga anak namin. Batam bata pa sila.”

Sila ay sina Fe Soriano, Lilia Domingo at Rosita Esusan.

Ang anak ni Fe na si Jayvee Soriano, si Lilia naman ay si Angel Domingo at kay Rosita ay si Jeffric Esusan. Pare-perahong 21 anyos ng mangyari ang insidenteng ito. Dalawang taon ng silang nakakulong.

Itinago namin sa pangalang “Jasmine”, ang umano’y biktima ng ‘gang rape’.

Ika-16 ng Mayo 2009, bandang alas 3:00 ng madaling araw nagkainuman sila sa bahay mismo nila Fe. Nagtatrabaho si Jayvee at Jeffric sa ‘Jollibee’ bilang mga ‘service crew’. Nasisiyahan sila dahil nakatanggap ng parangal ang kanilang Jollibee branch.

Base sa kopya ng ‘sinumpaang salaysay’ ni Jasmine apat na lalaki ang halinhinang nang rape sa kanya. Sina Jayvee, Angel, Jeffric at ang isang si Marjun Reig.

Sumakay siya sa motor ni Jayvee papunta sa bahay nito. Pagdating dun naglabas ng malaking Pop Cola at Generoso Brandy.

Bumili si Jayvee ng yelo sa tindahan ng kaibigan niyang si Angel at inaya nito na sumali sa inuman. Sumama naman itong kapit bahay.

Ayaw sana umanong uminom si Jasmine subalit kinantiyawan siya. “Sige! Tagayan mo ako,” sabi ni Jasmine.

Naubos ang isang bote ng Generoso kaya nagbukas na naman ng panibago. Nakadalawang tagay lang itong si Jasmine. Nagsimula siyang mahilo.

Nakita daw siya ni Marjun at Jeffric. Pwersahan siyang binuhat sa kanyang kinauupuan. Hawak ang kanyang kamay inakyat siya sa kwarto.

“Hindi ko na kayang pumalag sa kanila kaya sumunod na lang ako,” pahayag ni Jasmine.

Sumunod daw sa taas si Jayvee at Angel at pumasok na rin sa kwarto. Hiniga daw siya sa higaan. Pinilit daw siya ni Jeffric na uminom ng ‘likido’ na kulay ‘brown’ na nakalagay sa basong tagayan nila.

“Ayaw ko sanang uminom pero sinungalngal ni Jeffric sa bunganga ko kaya nakainom ako at ang iba ay natapon,” ayon kay Jasmine.

 Hinawakan daw siya sa magkabilang kamay habang nakahiga. Pinatungan siya ni Jeffric. “Hinalik halikan niya ako sa lips, sa dibdib at sa boobs ko, tinanggal niya ang lock ng bra ko,”

Si Marjun daw ang nagbaba ng suot niyang maong pants. Nagmakaawa ang dalaga. Nagtanong kung bakit ginagawa sa kanya. Ang sagot daw ni Jeffric, “Gusto kita! Gusto kita!”. Si Marjun naman daw sumagot ng “Ang ganda ganda mo,”.

Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na siya ng malay. Alas 8:00 ng umaga na siya nagising. Nasa tabi na niya si Marjun. Sinabihan daw siya nito na ayusin ang pants niya. Pagkakita ni Jasmine nakababa na ito hanggang hita. Ang bra niya ay nakabukas pa rin.

Nakita niya si Fe at lola ni Jayvee. Pumasok na daw si Jayvee at wala na dun si Jeffric. Niyaya daw siyang magkape pero nagpaalam na si Jasmine na uuwi na. Hinatid daw siya sa labas ni Fe.

Ang kanyang kaibigan na si Ferdinand Nicolas ang kanyang pinagsumbungan. Gabi ng ika-17 ng Mayo niya nasabi sa kanyang ate dahil nanghihina pa siya.

Dumiretso na sila sa Station 10 Kamuning para magreklamo.

Sumailalim si Jasmine sa isang ‘medico legal examination’. Ayon sa lumabas na ‘medico legal findings’, ‘shallow healed laceration at 2 o’clock and 9 o’clock position. 

Ika-18 ng Mayo, dinampot si Jayvee sa trabaho bandang alas 6:00 ng umaga. Itinatanggi ng mga inang ito ang akusasyon sa kanilang mga anak.

Giit ni Fe, hindi yun pwede mangyari dahil gising siya habang nag- iinuman ang mga ito. “Sino ba ang makakatulog ng oras na yun? Merong music, nagkukwentuhan sila at nagtatawanan pa,” aniya.

Sa ‘squatters area’ at maliit lang daw ang bahay nila kaya kung inaagrabyado daw si Jasmine ay maririnig nila agad ito. Hindi daw uminom si Jayvee dahil maaga pa ang ‘duty’ nito.

Si Angel naman natutulog sa kanilang bahay ng damputin ng mga pulis. “Hindi magagawa ng anak ko yun dahil may girl friend siya,” wika ni Lilia.

Si Jeffric ay may asawa’t anak na. Si Marjun naman nagkasakit sa kulungan at dun na namatay dahil sa sobrang depresyon. Hindi daw nito matanggap na nakulong siya.

Depensa ng mga ito nagalit lang daw itong si Jasmine dahil may gusto ito kay Jeffric. Nang malaman daw ni Jasmine na may anak at asawa si Jeffric ay saka ito nagdemanda.

“Tulungan niyo kami. Hindi naman tama yung paghuli sa kanila dahil walang warrant of arrest. Abril pa ang huling hearing namin. Napakabagal. Lalo silang nagtatagal sa kulungan,” sabi ni Fe.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang problemang ito.

Nung una’y ‘release for further investigation’ ang kasong ito. Hindi maituro ni Jasmine ang gumahasa sa kanya dahil nawalan siya ng ulirat at nagising siya na nakababa ang pantalon. Binawi naman ito sa isang ‘amended resolution’ at sinabing nauna daw siyang hinalay ni Jeffric sumunod si Jayvee, Angel at Marjun kaya nakulong ang mga ito.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maiiwasan sana ang rape kung mag-iingat din ang mga kababaihan. Bakit ka sasama na nag-iisa kang babae?

Hindi rin naman ibig sabihin na kapag nakipag-inuman sa inyo ang babae pwede na ninyong gawin ang lahat ng gusto ninyo.

Pinayuhan namin ang mga ina na maghain ng ‘motion for a speedy trial’ para mapabilis ang lahat. Maganda kasing maipaliwanag na ng ‘medico legal officer’ kung bakit ‘shallow healed lacerations’ ang nakasulat sa report.

Nakausap namin ang isang ‘medico legal’. Ipinaliwanag niya na maaring nangyari yun baka nagkaroon na ng ibang ‘sexual experience’ itong si Jasmine kaya hindi na nag-‘lacerate’. Maari din naman dahil maliit ang ari ng mga lalake kaya wala ng lacerations na bago.Ang bigat ng testimonya na ‘medico legal’ ang maaring magbigay linaw sa lahat ng ito. Kung walang basehan ang reklamo dapat palayain ang mga akusado.

Kadalasan din naman ang isang babae ay hindi papayag na makaladkad sa isang kahihiyan, lalo na ‘gang rape’, kung gawa-gawa lang niya ang lahat.

Tutukan natin ang kasong ito! (KINALAP NI AICEL BONCAY) Sa gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o 09198972854. Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: [email protected]

DAW

JASMINE

JEFFRIC

LSQUO

SI MARJUN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with