Magulang dapat ba mamalo ng anak?
MERONG panukalang batas na magpaparusa sa mga magulang na namamalo, nangungurot o namimingot ng anak. Gagawing ilegal ang pananakit (corporal punishment) sa pagdisiplina sa bata. Kontrobersiyal ang panukala. Bagamat may mga abusadong magulang, hindi pa rin daw dapat pakialaman ng estado sa pagtrato ng magulang sa salbahe.
Imbis na ang legalidad, pakinggan natin ang pananaw ni Dr. Phil McGraw. Sikat siyang psychologist sa USA, may arawang TV show kung saan pinapayuhan ang mga manonood. Aniya, ang pakay ng magulang ay magka-self-discipline ang anak. Ibig sabihin, dapat may matutunang leksiyon ang bata -- kabutihang asal, pagkilala sa tama at mali — na magiging gabay sa buhay. Kaya, ano ang nagagawa ng pamamalo? Walang natututunan ang bata sa mismong pananakit. Payo ni Dr. Phil:
• Huwag ilabas sa pamamalo ang sama ng loob sa buhay. Siguraduhin kailangan sa sitwasyon ang pana-nakit, at hindi lang dahil pumutok ang galit ng magulang.
• Kailangan ng hinahon at kaayusan sa tahanan. Kung pinapalo ang anak dahil sa panggugulo, nakakadagdag ba ito sa karahasan niya?
• Tuparin ang babala sa bata. Ipabatid na mapaparusahan siya —palo o ibang paraan —kapag suwayin niya ang hinahon at kaayusan.
• Alamin ang ugali ng bata, kung ano ang pinahaha-lagahan niya. Maari alisin ang positibo (tulad ng paboritong laruan), o magsingit ng negatibo (walang pasyal), pero dapat consistent o matibay ka.
• Huwag magpatalo sa komprontasyon sa bata. Kasi masasayang ang pagkakataon niyang matuto ng leksiyon mula dito.
• Marahang planuhin ng mag-asawa ang paraan ng pagdidisiplina. Ang mahinahong bata ay dahil sa mahinahong magulang.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending