^

PSN Opinyon

Editoryal - Itaboy ang mga 'multo' sa PNP

-

MARAMING “multo” sa Philippine National Police (PNP). Sa sobrang dami ng mga “multo” ay gusto nang katakutan ng mamamayan ang organisasyong ito. Ibig nang iwasan at layuan. “Multo” para sa taumbayan ang sunud-sunod na balita na maraming pulis ang sangkot sa katiwalian. Karaniwang gumagawa ng kasamaan ay may mga ranggong PO1 at PO2. Sila ‘yung nasasangkot sa pagtorture at hazing. Da-lawang linggo na ang nakararaan, tatlong pulis mula sa Blumentritt Station ang inakusahan ng pagbuhos ng mantika sa dalawang nahuling suspek. Wala itong ipinagkaiba sa ginawa ng isang police inspector sa isang suspect sa pagnanakaw noong nakaraang   taon. Tinalian ang ari ng suspect at saka hinihila. Umaaringking sa sakit ang suspect habang nakahiga sa semento. Naganap ang torture sa mismong PCP sa Sta. Cruz, Manila.

Makalipas ang ilang araw, isang bagitong pulis sa Caloocan ang nahuling nagbebenta ng mga nakaw na motorsiklo. Katulong niya sa pagbebenta ang isang Criminology student. Ibinibenta rin sa mga pulis ang motorsiklo. Kapag pulis ang maydala ng motorsiklo ay hindi na sinisita sa checkpoint.

Isang buwan na ang nakararaan, napanood sa TV patrol ang pagpapakain ng sili sa police trainees sa Camp Eldridge, Los Baños, Laguna. Bukod sa pagpapakain ng sili, pinadilaan din sa trainees ang logo ng PNP na pinahiran ng sili. Pinainom din ng tubig na may paminta ang trainees.

“Multo” rin para sa taumbayan ang mga nangyayaring katiwalian sa PNP. Mababanggit dito ang “Euro Generals” at ang nadiskubreng pagbili ng dalawang Robinsons helicopter noong 2009 na mga segunda mano pala. Isa pa ring “multo” ay ang natuklasang P409.74 million para sa pagpapa-repair ng 28 V150 Light Armored Vehicles noong 2007.

Pero ang pinaka-matinding “multo” ay ang pagkakadiskubre sa 2,000 pekeng pensiyonado ng PNP. Marami palang kumukubra ng pensiyon mula pa noong 2005 at nasa P250 million ang nawawala sa PNP bawat taon. Marami palang “biyuda” na nagtutu-ngo sa PNP para kumubra. Sumusuka ang PNP nang malaking pera para sa mga “multong” pensiyonado.

Malapit nang magkaroon ng bagong PNP chief at mas magandang unahin niyang gawin ay itaboy ang mga “multo”. Linisin sa “multo” ang PNP.

BLUMENTRITT STATION

CAMP ELDRIDGE

EURO GENERALS

LIGHT ARMORED VEHICLES

LOS BA

MULTO

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with