^

PSN Opinyon

Teknikalidad

K KA LANG? - Korina Sanchez -

PINAKAWALAN sina Richard Brodett at Jorge Joseph, ang dalawa sa “Alabang Boys”. Pinawalang-sala sila ng hukuman dahil sa kuwestiyonableng paghuli sa kanila dahil sa posesyon ng illegal drugs. Sa madaling salita, nakahanap ng butas ang mga abogado ng dalawa kaya nagkaroon ng duda ang korte sa pagkakahuli sa kanila.

Malaking kaso ito noong 2008. Anak-mayaman sila kaya tinawag na “Alabang Boys”. Bukod kay Brodett at Joseph, kasama rin si Joseph Tecson. Nagpalitan ng akusasyon ang kampo ng PDEA at mga nahuli na niluluto daw yung kaso. May mga alok daw na pera para lang makalaya ang mga nahuli. Tatlong taong tumakbo ang kaso at nagbago ang buhay ng ilang tao mula sa pro-secution, pati na sa panig ng mga hinuli. Noong Biyernes, natapos ang pinitensya ng dalawa.

Sa TV Patrol text poll, malinaw sa mga rumesponde na hindi makatarungan ang pagpapalaya sa “Alabang Boys”. Sa tingin siguro ng mga nag-text na “hindi”, dapat hinatulan silang may sala, kung ibabase lang sa drugs na nakuha mula sa kanila. Pero dahil hindi naman ako abogado, hindi ko alam ang mga tinatawag na tamang proseso sa paghuli ng isang tao, lalo na kung may dala ngang illegal drugs. Dahil sa nangyaring pagpapalaya sa dalawa, gustong pag-aralan ng DOJ ang kaso, at kung bakit hindi nakakuha ng desisyon ang mga prosecutor ng gobyerno. Anuman ang makitang mga pagkakamali, dapat mabago na kaagad, para hindi na maulit. Magsilbi na rin itong leksyon sa PDEA, na ang paghuli sa isang hinihinalang may dalang drugs ay hindi kasing simple na pagtutok ng baril at pagkabit ng posas. May mga proseso para hindi magkaroon ng bahid ng duda ang kaso, katulad ng nangyari sa “Alabang Boys”.

Sana ito hindi maging halimbawa sa mga mahuhulihan ng illegal drugs. Na may paraan para makalaya kahit may dalang illegal drugs. Mga teknikal na punto na puwedeng gamitin para mapawalang-sala. Mainit ang dugo ko sa illegal drugs. Marami nang sinirang buhay at pamilya. Mataas ang krimen dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Kaya dapat pag-aralan ng mga mambabatas ang Dangerous Drugs Act, at ang mga kakulangan o hindi praktikal na mga punto nito. Para mahuli at makulong ang mga sangkot sa illegal drugs. 

ALABANG BOYS

DRUGS

DRUGS ACT

ILLEGAL

JORGE JOSEPH

JOSEPH TECSON

NOONG BIYERNES

RICHARD BRODETT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with