^

PSN Opinyon

P.Noy at Quirino hostage incident

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

All-out ang naibigay na suporta ng Aquino government  sa mga survivors at kaanak ng  mga naging biktima ng Quirino hostage incident.

Dahil kasunod ng pangyayari ay kagyat na nagpatupad ng reporma si P. Noy tungkol  sa ilang  policies sa pa­ngunguna ng Philippine National Police,  na humantong pa sa pagpataw ng pagsibak at parusa sa mga opisyal at tauhan ng kapulisan na nasa likod ng bigong negosasyon sa hostage crisis.

Sa maikling salita, umaatikabong sibakan at suspensyon sa posisyon ang ipinatupad mula sa tauhan hanggang mga opisyal ng PNP.

Bukod sa mga repormang ipinatupad ng ating gobyerno ay naging considerate ang ilang pribadong sektor ng ating gobyerno na sumuporta para magbayad ng danyos sa mga biktima.

Buong pagpapakumbaba ring humingi ng paumanhin kasunod mismo ng trahedya si P.Noy sa Hong Kong government at sa kanilang mga mamamayan dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Higit sa lahat ay maluwag na tinanggap ng ating gobyerno ang ipinataw na travel advisory laban sa Philippines my Philippines ng Hong Kong government bilang respeto sa kanilang pakiramdam bunsod ng nangyaring insidente.

At sa paggunita the other day ng 1st anniversary ng hostage crisis, buong pagmamalaki nating masasabi na hindi nagpabaya ang gobyerno ni P.Noy sa mga survivors at kaanak ng mga naging biktima ng Quirino hostage crisis at naibigay ang lahat ng suportang hiningi.

Kaya sa pagdating sa bansa ng mga kaanak ng ilang biktima na maluwag ring tinanggap ng ating pamahalaan kasunod ng pag-atas kay Justice Secretary Leila de Lima ay naniniwala tayong sapat na itong aksyon ng ating government.

Hindi na tamang mismong si P.Noy pa ang humarap dahil ang higit na nakakaalam sa estado ng kaso ay ang DOJ direktang makakapagtanong ang mga survivors at kaanak dito.

Sa ipinakitang malasakit ng ating gobyerno sa takbo ng kaso at sa mga biktima, wala tayong nakikitang pagkukulang at wala rin tayong nakikitang dahilan para muling humingi ng paumanhin si P.Noy.

Nakakalungkot din kasi na kasabay ng paggunita ng unang anibersaryo ay magaganap ang eleksyon sa Hong Kong at hindi  maiiwasang magamit ang pangyayari laban sa kasalukuyang Chief Executive ng Hong Kong na si Donald Tsang upang gibain ito ng mga kalaban at isisisi sa kanyang liderato ang pangyayari.

Nagawa natin ang lahat ng kondisyones na hiningi ng HK government at para sa mga kuwago ng ORA MISMO,  ay sapat na itong dahilan para ibigay sa madlang people ng Philippines my Philippines ang suporta sa gobyernong Aquino at ‘wag hayaang kaladkarin pa dahil lamang sa ambisyon ng ilang pulitiko sa Hong Kong.

Dapat ring maunawaan ng pamilya ng mga biktima na hindi nagpabaya ang Philippines my Philippines sa kanilang mga reklamo dahil agad naman inaksyunan ang kanilang mga hinaing.   

AQUINO

ATING

CHIEF EXECUTIVE

DONALD TSANG

HONG KONG

JUSTICE SECRETARY LEILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUIRINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with