^

PSN Opinyon

Walang kuwenta ang mister

-

ANG kasong ito ay nangyari noong ang umiiral na batas tungkol sa mag-asawa ay ang Civil Code at hindi pa ang Family Code – ayon sa Civil Code (Art. 165). Sa pagkakataon naman na umabuso ang lalaki, puwedeng magpetisyon ang babae sa korte upang ibigay sa kanya ang pamamahala ng kanilang ari-arian o kaya ay kumuha ang korte ng isang “receiver” na itatalaga upang magpatakbo ng kanilang ari-arian o kaya ay maghiwalay na lang silang mag-asawa ng ari-arian nila (Art. 167 New Civil Code).

Ano kaya ang mangyayari kung hawak ng babae ang pamamahala ng ari-arian at siya ang inakusahan na uma-abuso? Ano ang magagawa ng kanyang mister? Ganito ang nangyari sa mag-asawang Alfredo at Aida.

Dahil sa kanilang pagtitiyaga, nakapagpundar nang malaking ari-arian ang mag-asawa. Subalit matapos ang 15 taon, basta na lang iniwan ni Alfredo si Aida. Naiwan kay Aida ang pamamahala ng kanilang mga ari-arian.

Hindi nagtagal, bumalik sa kanilang tahanan si Alfredo. Hiningi nito kay Aida ang kumpletong detalye at tuos ng lahat ng kanilang ari-arian pati na ang mga kinita. Nagsususpetsa siyang nagpabaya si Aida at katunayan ay naglipat pa ng ibang ari-arian nila sa pangalan ng ibang tao. Nang ayaw pumayag ni Aida, pumunta si Alfredo sa korte upang hingin na utusan si Aida na magbigay ng kumpletong tuos ng kanilang ari-arian, ang lahat ng kinita nito at tuloy, upang paghiwalayin ang ari-arian nilang mag-asawa dahil nga sa kapabayaan daw ng kanyang misis.

Ang argumento ni Alfredo, kung nakalagay daw sa batas (Art. 167 New Civil Code) na puwedeng hingin ng babae na maghiwalay sila ng ari-arian dahil sa ginawang pang-aabuso ng kanyang mister, puwede rin daw niyang gawin ito sa kanyang asawa na siyang humahawak ng kanilang ari-arian. Tama ba si Alfredo?

MALI. Ang nakasaad sa batas na puwedeng hingin ng babae na maghiwalay sila ng kanyang asawa ng ari-arian kung sakali at umaabuso ang mister ay natatangi lang para sa babae. Ang argumento rito ay nasa lalaki ang pamamahala ng kanilang ari-arian at ayon sa batas, siya lang ang ipinagpapalagay na aabuso ng kapangyarihan. Hindi naman ta­laga humahawak ng kanilang ari-arian ang babae maliban at pumayag ang asawa, o kaya ay iutos ito ng korte. Kung talagang may pagpapabaya sa kanyang parte, ito ay dahil hinayaan siya ng kanyang mister o kaya ay pinabayaan siya ng korte. Ang solusyon para kay Alfredo ay hindi upang hingin na paghiwalayin ang kanilang ari-arian kundi ang mapabawi sa korte ang kapangyarihan ng asawa at ipabalik sa kanya ang pamamahala nito (Garcia vs. Manzano, G.R. L-8190, May 28, 1958).

AIDA

ALFREDO

ANO

ARI

ARIAN

ASAWA

CIVIL CODE

FAMILY CODE

KANILANG

NEW CIVIL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with