^

PSN Opinyon

Joint funding sa pampublikong proyekto

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMI ang pumuri sa Department of Agriculture at pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental na mag-“joint funding” o magtulungan sa pagpopondo ng irigasyon at iba pang proyektong pang-agrikultura sa nasabing probinsiya.

Magtutulungan ang dalawang partido sa pagpopondo ng P166-million irrigation projects sa susunod na taon upang maipaabot ang serbisyong patubig sa karagdagan pang 2,675 ektarya ng bukirin sa lalawigan. Mahigit 2,920 pamilyang magbubukid umano ang direktang makikinabang sa nasabing hakbangin.

Ayon sa DA, P90 milyong pondo ang ilalaan nila sa proyekto sa pamamagitan ng National Irrigation Admi-nistration (NIA) habang P76 milyon naman ang ilalaan ng provincial government.

Popondohan din ang paglalagay ng mga makaba­gong kagamitan at pasilidad na pang-agrikultura sa lala­wigan para mapataas ang produksiyon ng mga magsasaka. Kabilang dito ang isang rice processing center na nagkakahalaga ng P18-milyon; apat na combine harvesters (P8-milyon); apat na transplanters (P2-milyon); apat na flatbed dryers (P2-milyon); 4-wheel tractor (P1-milyon); pitong hand tractors (P1-milyon); apat na multi­purpose drying pavements o solar dryers (P1-milyon); isang hauler truck (P1-milyon); isang high value crops development project na may kasamang coffee seedlings (P1.6-ilyon); production support at bagong irrigation pro-ject (P1-milyon); at corn seeds (P50,000).

Ayon sa aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, maganda at istratehiyang “joint funding” bilang pag-counterpart ng mga lokal na pamahalaan at ng national government sa pagsasagawa ng mga pampublikong proyekto. Sa ganitong paraan aniya ay hindi magiging hadlang ang kasalatan ng pondo sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.

Samantala, binabati ko ang avid readers ng aking kolum na sina DA Undersecretary Tony Fleta, Assistant Secretary Alan Umali, NIA Administrator Antonio Nangel at DA Region 6 Director Larry Nacionales.

ADMINISTRATOR ANTONIO NANGEL

ASSISTANT SECRETARY ALAN UMALI

AYON

DIRECTOR LARRY NACIONALES

KABILANG

MAGTUTULUNGAN

MILYON

NATIONAL IRRIGATION ADMI

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

UNDERSECRETARY TONY FLETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with