^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kulang sa equipment ang PNP

-

ISA sa mahalagang equipment na kailangan ng Philippine National Police (PNP) ay helicopter. Kailangan ito para sa air assault. Pero iilan lang ang helicopter ng PNP at pinaglumaan pa. Yung dalawang helicopter na binili noong 2009 ay apat na taong gulang na pala pero binayaran as brand new. Kung makakabili ng mga bagong helicopter ang PNP malaki ang magagawang tulong para makaresponde sa mga biglaang situation.

Ang kakulangan sa equipment ng PNP ay nalantad sa buong mundo noong Agosto 23, 2010 nang i-hostage ng isang police officer isang bus na may Hong Kong tourists. Walo sa mga turista ang pinatay ng nagwalang police officer. Sumugod ang mga SWAT ng Manila Police District (MPD) subalit naging kahiya-hiya at katawa-tawa sapagkat hindi agad nila nagawang mapasok ang bus sapagkat wala silang sapat na gamit. Wala silang pananggalang ulo at katawan sakali’t maghagis ng teargas, walang hagdan para makaakyat sa bintana ng bus, walang palakol na pangwasak sa pinto at bintana at higit sa lahat, wala silang special weapon na pang-assault. Nakita ng buong mundo kung paano “nagkalat” ang mga miyembro ng MPD. Bukod sa kakulangan ng equipment, wala ring kasanayan ang mga pulis na sumugod sa bus. Hindi nila alam ang mga gagawin.

Ang kakulangan sa equipment para makaresponde sa crisis ay inihayag naman ni Director Leocadio Santiago ng PNP-Directorate for Operations. Ayon kay Santiago nagsasagawa ng crisis situation exercises ang PNP sa kasalukuyan. Limang araw umano ang pagsasanay na isinasagawa ng PNP-Crisis Action Force (CAF). Ang pagsasanay ay kinapapalooban ng land, air at sea-based exercises. Ang mga nag-aassist sa CAF team ay ang mga anti-terrorists experts mula sa United States, Australia, New Zealand at Singapore.

Hindi makakaresponde sa crisis situation ang mga pulis sapagkat wala silang gamit. Saan naman nakakita na ang gamit ng mga pulis sa pagdalo sa hostage crisis ay pupugak-pugak na baril? Saan naman nakakita na ang dala nilang hagdan para maakyat ang bintana ng bus ay hagdang-kahoy? Napaka-miserable naman ng kalagayan ng mga pulis. Kakaawa na niloloko pa sapagkat, segunda mano ang binibigay na equipment na binayaran naman para sa brand new. Bigyan naman sila ng sapat na gamit para mailigtas ang nasa panganib.

vuukle comment

CRISIS ACTION FORCE

DIRECTOR LEOCADIO SANTIAGO

HONG KONG

MANILA POLICE DISTRICT

NEW ZEALAND

PARA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

SAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with