^

PSN Opinyon

Micromanaging

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

PALPAK ang sistema sa pagkansela ng klase kapag bumabagyo. Laging atrasado ang anunsyo ng suspension. At kapag inunahan ng deklarasyon ng no classes para sa susunod na araw, kadalasa’y kagandahan ng panahon ang bubulaga.

Kulang ang kapasidad ng PAGASA na warningan ang lipunan sa tunay na estado ng bagyo kaya patuloy ta-yong mangangapa sa dilim. Pansamantala’y nagtitiyaga tayo sa istabilidad ng mga patakarang nakasanayan. Pag signal no. 1, suspendido ang Preschool; signal no. 2, elementary at high school; signal no.3, mga higher education institutions (HEI).

Kung hindi pa signal no. 3 subalit malakas ang ulan o hangin, walang kapangyarihan ang CHED na magsuspinde ng klase. Ibinigay na sa HEI at LGU ang kapangyarihang magpasiya dahil sa (1) awtonomiya ng mga HEI; at (2) higit na pamilyar ang mga Local Government Units (LGU) sa kondisyon sa kani-kanilang lugar.

Nung Martes ng gabi – nang kasagsagan ng kaprani-ngan na baka may kalamidad muli kinabukasan, pinangatawanan ng CHED ang guidelines at iniwan sa HEI at LGU ang desisyon sa class suspension. Ang mga nag-aaral nga naman sa kolehiyo ay maituturing na young adults - hindi tulad ng grade school at high school na pawang mga minors na obligasyon ng Estado na pangalagaan.

Pero biglang pumasok ang Malacañang at sinuspinde ang klase kinabukasan sa Metro Manila. Hindi naman ito ginawa sa kasagsagan ng bagyong Falcon nito lang Hunyo at nang mga nauna pang bagyo.

Alam na ng lahat na umiwas sa Metro si “Juaning”. Pinuna tuloy sa front page ng Philippine Daily Inquirer na nasayang ang suspension ng klase. Pero hindi ito ang punto. Kapuna-puna ang biglaang pagsulpot ng Malacañang dahil: (1) kontra ito sa guidelines; (2) hindi nakakatulong sa kumpiyansa sa gobyerno ang kawalan ng kasiguruhan ng patakaran; (3) nakadagdag lang ito ng isa pang antas ng burokrasya; (4) pihadong magiging sanhi ng de­moralisasyon dahil pinamumukhang hindi epektibo ang CHED.

Madaling sabihin na mabuti na yung sigurado. Pero tulad ng naisulat ng CHED, realidad ang bagyo sa atin. Walang gaanong allowance upang mag-reschedule ng pasok. Kaya mas kanais-nais na sa HEI at LGU iwan ang pagpasya – sila ang higit na nakaaalam. Kailangang matuto ang Malacanyang na magtiwala sa mga sarili nitong tauhan nang maka-concentrate ang lahat sa kani-kanilang trabaho at maging mas epek-tibo ang pamamalakad ng pamahalaan.

ALAM

HUNYO

LOCAL GOVERNMENT

MALACA

METRO MANILA

NUNG MARTES

PERO

PHILIPPINE DAILY INQUIRER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with