^

PSN Opinyon

Mabigat ang padrino ni Chief Supt. Decano

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

PINAIMBESTIGAHAN na ni NCRPO chief Dir. Alan Purisima ang tong collection activities ni PO3 Rodolfo “Jojo” Cruz Jr. sa Camanava. Balak ni Purisima na i-relieve si Cruz sa District Special Operation Unit (DSOU) at i-assign sa RPHAU sa Camp Bagong Diwa para mabilis itong mag-report kapag kailangan na sa imbestigasyon.

Kaya naman umaksiyon si Purisima dahil hindi nasawata ng Northern Police District (NPD) sa pamumuno ni Chief Supt. Antonio Decano ang lumalalang krimen, tulad ng riding-in-tandem, sa Camanava dahil ang koleksiyon sa pasugalan ang unang inaatupag ng mga pulis. Pitsa muna bago trabaho, ‘yan ata ang battlecry ni De-cano na taliwas sa “tuwid na daan” ni P-Noy. Sino kaya ang padrino ni Decano at hindi siya matinag sa puwesto kahit walang ginagawa? Ano kaya ang say ng tiyahin ni P-Noy na si Mam Margarita “Tingting” Cojuangco?

Usap-usapan sa NCRPO na tumawag pala si Decano sa R-1 o personnel division sa Camp Bagong Diwa para i-relieve ang isang opisyal sa NPD na pinagsuspetsahan niyang espiya ko. Subalit hindi nagtagumpay si Decano dahil ang gusto ng hepe ng personnel ng NCRPO ay gumawa siya ng request sa “black and white” para may pagbasehan naman siya. Hindi kasi puwede na verbal ang kautusan at si Purisima lang ang may karapatang gumawa niyan. Kaya sa ngayon, magkasama pa si De-cano at ang opisyal na kinamumuhian niya. Ewan kung nag-uusap pa sila. He-he-he!

Sa tandem nina Decano at Cruz, suwelduhan na sa ngayon ang mga opisyal ng NPD. Ika nga nilagom nila ang kalakaran sa lingguhang intelihensiya. At sino pa ang makakapalag kay Decano e siya ang hepe ng NPD? Kaya’t nararapat lang talaga na i-relieve sa NPD si Cruz para hindi na siya pamarisan pa ng iba pang kolektor. Kapag na-relieve si Cruz, tiyak marami ang ma­ tutuwa, lalo na ang gam­bling lords at beerhouse operators na pinahihirapan niya.

Mula sa P200,000, ginawa ni Cruz na P300,000 ang lingguhang intelihen­siya ni Decano.

Kaya nga­yong lumalala ang krimen sa Camanava area, alam n’yo na kung sino ang dapat sisihin.

Abangan!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANTONIO DECANO

CAMANAVA

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF SUPT

CRUZ

CRUZ JR.

DECANO

KAYA

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with