Dear Dr. Elicaño, magandang araw. Hindi naman po gaanong seryoso ang isasangguni kong problema. Ito po ay may kaugnayan sa madalas na pagkakaroon ko ng kabag. Totoo po bang ang madalas na pag-inom ng softdrinks ay dahilan kaya nagkakaroon ng kabag? Isang litro po ng softdrinks ang aking nauubos sa maghapon. Hihintayin ko ang iyong kasagutan sa problemang ito. Salamat.— MARIVIC ANOMRAC
Kapag sobra ang intake ng softdrinks at iba pang soda drinks, maaaring kabagan. Nakakapag-cause din ng kabag ang pagkain ng repolyo. Kaya ang payo ko iwasan muna ang mga nabanggit.
Lahat ay kinakabagan. Kinakabagan tayo dahil sa pag-increased ng bacteria na nasa undigested carbohydrates at proteins. Pero ang kabag ay maaari ring ma-ging sintomas ng iba pang kondisyon kagaya ng chronic constipation o chronic ulcer. May mga taong madaling magkaroon ng kabag at meron din namang hindi.
Ilang mabuting paraan para maiwasan ang kabag ay ang mga sumusunod: Umiwas kumain ng heavy meals, kumain nang marahan lamang. Makatutulong ang paglalagay ng herbs o spices sa pagkain. Ang mga ito ay makatutulong para madaling ma-digest ang pagkain gaya ng repolyo na karaniwang nagko-cause ng kabag. Sa pagluluto, kailangang fresh water ang gagamitin para ma-reduce ang indigestible sugars na dahilan din ng kabag.
Ang pag-inom ng tea pagkatapos kumain ay makatutulong para maiwasan ang kabag. Ang tsa ay nakatutulong sa pagdigest ng pagkain. Ang peppermint tea naman ay nare-relax ang mga muscles sa colon at tumutulong para ma-relieve ang kabag.