^

PSN Opinyon

Lilinaw ba o lalabo?

- Al G. Pedroche -

ANG mga pahayag kaya nina Zaldy Ampatuan at Lintang Bedol ay magbigay ng linaw sa mga nangyaring pandaraya sa eleksyon noong mga taong 2004 at 2007, o lalung magpapalabo sa usapin?

Sa tingin ko, kapwa hindi katiwa-tiwala sina Ampatuan at Bedol. Dating masugid na kaalyado ni Rep. Gloria Arroyo ang mga Ampatuan, Naging kakutsaba pa umano sa mga pandaraya sa eleksyon sa Mindanao. At ang pagbubunyag ni Ampatuan ay parang isang vendetta dahil ayaw patotohanan ni Mrs. Arroyo na nasa Malacañang si Zaldy nang maganap ang Maguindanao Massacre. Ito namang si Bedol ay parang napagsabihan ni Ampatuan na segundahan ang kanyang mga   alegasyon. Perfect timing ang paglantad niya.

The P-Noy administration as a result is being put in a bad light.  Sinabi ng legal spokesman ni Mrs. Arroyo na si Atty. Raul Lambino: “The flagship program of the Aquino administration is the demolition of Mrs. Arroyo.”

 Ang mga nagaganap ay puwedeng bigyan ng dalawang interpretasyon: Na ito’y pakulo ng administrasyon para idiin si Gloria o kaya’y; pakulo ni Gloria para lumabas na kontra-bida si P-Noy. Sinasabi ng kampo ni Gloria na nagaganap ang lahat ng ito, kasama na ang paglantad ng isang Marine Colonel na nananawagan ng kudeta laban kay Pinoy, para may ma-report ang Pangu­lo sa kanyang SONA. Hah.. reversed psychology!

Sa opinion naman ng mga mambabatas, naniniwala si Senate President Juan Ponce Enrile na hindi  sapat ang testimonya ni dating Maguindanao election supervisor Bedol upang ma­ipakulong si Arroyo na idinidiing utak ng mga election frauds.

Hindi kailangang ma-ging abogado para sabihing kailangan pa ni Bedol na magpakita ng ebidensya.

Posibleng may hawak si­yang katibayan, posibleng wala at gumagawa lang ng ingay.

At sakaling mapatuna­yan na talagang peke ang pag­wawagi ni Gloria at ng iba pang mga nanungkulan na at nanunungkulan pang politiko, maipakakalaboso kaya ang mga mandarayang ito?

Dalang-dala na ako sa mga pangyayari sa ating bansa. Basta political crime walang napananagot na utak. Kung mayroon man, maliliit lang na isda.

Kung may nagpapakulo man ng scenario na ito ay mabuting maglubay na lang kung walang taimtim na intensyong mapalutang ang buong katotohanan. Kung ito’y isang politically motivated scenario, wag na lang!

AMPATUAN

BEDOL

GLORIA ARROYO

LINTANG BEDOL

MAGUINDANAO MASSACRE

MARINE COLONEL

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with