PATULOY kong sinusubaybayan ang mga development sa kampanya laban sa paninigarilyo. Nilabas kamakailan ang pinakahuling 2011 global tobacco report ng World Health Organization (WHO). Ayon sa datos, six million katao ang mamamatay sa taong ito dahil sa paggamit sa tobacco products. 10% nito, o 600,000, ay hindi gumagamit ng anumang tobacco products (sigarilyo, cigars, pipes, chewing tobacco). Mamamatay sila dahil minalas lang na masagap ang masamang usok ng tobacco – mga kasama sa bahay o sa trabaho ng mga tobacco addicts.
Kasabay nito’y hinimok muli ng WHO ang mga bansang hindi pa gumagamit ng malalaking graphic health warnings na umpisahan na ito. Ayon sa WHO, subok na ang epekto ng ganitong mga panakot bilang motibas- yon sa pagtigil ng mga addict. Malaki rin ang naitutulong nito upang matanggal ang appeal ng paninigarilyo sa mga non-smokers na nagpaplano pa lang. Karamihan sa mga ito ay bata.
Labingsiyam na bansa na ang nagpapatupad ng pictorial health warnings sa tobacco products. Alam ng mga nagbabasa ng REPORT CARD na hindi pa napapabilang ang Pilipinas sa hanay ng 19 na bansang may ganitong malasakit sa kanilang mamamayan. Ang administrative order (A.O.) ng ating DOH na nagmamando sa paglagay ng pictorial health warnings ay patuloy na hinaharang ng mga tobacco companies sa hukuman. Kung may batas sana – at hindi karaniwang A.O. – ay wala nang kukuwestiyon at wala nang hahadlang. Ang kaso’y hindi naman maaasahan ang ating congressman at senador na bilisan ang pagkilos. Sayang naman ang mga “pakiusap” sa kanila ng mga tobacco companies. At ipasa man ang pinakahihintay na batas, mapapapirma mo ba diyan ang
No. 1 smoker ng Pilipinas? Mas may pag-asa pa siguro na malagyan ng picture niya ang mga kaha ng sigarilyo kaysa mga picture ng naaagnas na baga. Ewan ko lang kung maging motibasyon ito upang mapatigil ang mga naninigarilyo.
Ang bawat maliit na hakbang na makapagbibigay ng maagang paunawa sa lipunan tungkol sa peligro ng paninigarilyo ay ma-laking tagumpay para sa kalusugan ng lahat.