^

PSN Opinyon

'Tunay o sarsuwela lang?'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

NAUNA nang sinaluduhan ng BITAG ang tigasing desisyon ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos sa pag­ papatanggal nito ng sexy billboard ng mga naka-karsunsilyong atleta.

Ngayon,si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino naman.

Harap-harapan niyang ipinakita ang kaniyang pagkontra sa mga higante’t naglalaswaang billboard sa kahabaan ng EDSA.

Walang kaabug-abog, pinatanggal niya ang mga ito kasunod ng ginawa ni Mayor Abalos.

Bukod pa rito ang dahilang hindi pa nabibigyan ng aprubadong permit ang mga billboard na ito dahil sa nilalaman ng advertisement ng mga produkto.

Sinasang-ayunan ng BITAG si Chairman Tolentino na dapat magkaroon ng komite na susuri sa itsura at nilalaman ng mga isasampay na billboard ng mga produkto sa lansangan.

Ang bubuo sa komiteng ito, opisyal ng gobyerno, re-presentante ng religious sector at ng advertising industry. Ito ang ibig naming sabihin, taong 2007 pa lamang na natumbok at sana’y maitupad ni Chairman Tolentino.

Kung iisipin, napakagandang malaman ang planong ito ng MMDA, ngayon pa lamang marami na ang natutuwa para mawala na ang mga eye sore na sexy billboard sa lansangan.

Mabuti na lamang, meron pang mga taong may bombolyas para diretsahang tumaliwas sa malalaswang ideya ng mga kumpanyang nasa likod ng sexy billboard.

Ang siste, ‘wag sanang mag-ningas kugon lamang ang mga taong ito, lalo na si MMDA Chairman Tolentino. Huwag sanang hanggang dada lamang ang kaniyang mga plano laban sa mga malalaswang komersiyal sa lansangan.

Parte ng krusada ng BITAG na mawala na sa mga kalsada ang mga dambuhala at naglalaswaang billboard na ito na matagal na naming tinutuligsa.

Patuloy na magmamasid ang BITAG. Sana hindi mauwi sa sarsuwelang pa-labas ang mga eksenang pagpapatanggal sa mga sexy billboard.

vuukle comment

BILLBOARD

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN TOLENTINO

HARAP

MANDALUYONG MAYOR BENHUR ABALOS

MAYOR ABALOS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with