^

PSN Opinyon

May katapusan ang pagyayabang mo, Gen. Decano

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HALOS lahat ng opisyales ng Northern Police District ay pinagsuspetsahan ni NPD director Chief Supt. Antonio Decano na nasa likod ng pagbubulgar ko ng tong collection activities ng kanyang bata na si PO3 Rodolfo “Jojo” Cruz Jr. May ilang opisyales kasi ang “dismayado” sa pamamalakad ni Decano kaya ipinarating sa akin ang kanilang hinaing. At iyan ang naging ugat ng pagbanat ko sa kanya. Imbes na harapin ni Decano ang lumalalang problema na dulot ng riding-in-tandem sa CaMaNaVa area, ang inuuna niya ay ang pag-ayos ng gusot sa pitsang dumarating sa bulsa niya. Basta puno umano ang bulsa ni Decano, walang keber siya kung lumala man ang kriminalidad sa kanyang sakop.

‘Yan ang  pagkaintindi ng mga “dismayado” kay De­cano sa “tuwid na daan’ na battlecry ni P-Noy. Ipinagmamalaki umano ni Decano sa kanyang mga kausap na   may mga kakutsaba siya sa mga diyaryo na maaaring i-delay o iligwak ang mga tirada sa liderato niya. May katapusan ang pagyayabang mo, Gen. Decano.

Habang nasa guessing game si Decano, tuloy na­ man ang pag-iikot sa gambling lords at bold show operators ni PO3 Cruz Jr. Siyempre, dahil doble ang intelihensiya na kinokolekta niya, maasim ang pagtanggap ng gambling lords at bold show operators kay Cruz. Si Cruz ay dating taga-CIDG kung saan natuto siya sa tong collection activities. At siya ang nagustuhan ni Decano dahil sa pangako nitong pupunuin ng pitsa ang bulsa niya. Ang happy lang sa NPD ay si Decano at mga bataan niya. Ang staff at operating units? Kayo na ang maghusga mga suki.

Dati palang P200,000 ang nakokolekta kada linggo ng tropa ni Aguas sa CaMaNaVa para sa amo nya, ayon sa kausap ko. Subalit sa ngayon, ginawa itong P300,000 ni PO3 Cruz Jr. at mukhang nagsisigaw sa tuwa si Decano. Isang taon at anim  na buwan pa sa serbisyo si Decano at sa tingin ng mga kausap ko, sa CaMaNaVa siya magiging milyonaryo. At ganundin kahaba ang delubyo ang tatamasahin ng gambling lords at bold show operators. Mukhang baluktot talaga ang mga daan sa CaMaNaVa area mula nang manungkulan si Decano. Abangan!

vuukle comment

ABANGAN

ANTONIO DECANO

CHIEF SUPT

CRUZ JR.

CRUZ JR. MAY

CRUZ JR. SIYEMPRE

DECANO

NORTHERN POLICE DISTRICT

SI CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with