^

PSN Opinyon

'Binyagan sa libingan'

- Tony Calvento -

NAGHIHINTAY na ang pari sa simbahan. Nagmamadali ang dalawang ina karay-karay ang dalawang sanggol. Isang maaliwalas na umaga. Bakit naman hindi? Ang kanilang mga anak ay handa ng maging isang ganap na Kristiyano.

Binabaybay ng mag-iina ang kahabaan ng Zarraga National H-way Iloilo kasama ang anim pang mga sakay ng tricycle. Nakasalubong nila ang dalawang nag-unahang jeep. Humarurot ang nasa likurang jeep…nag-over take.

Nagsigawan ang mga sakay ng tricycle ng makita ang jeep na pabangga sa kanila. Pumreno ang drayber ng jeep subalit hindi na nito na-‘control’ ang sasakayan sa sobrang paspas ng andar nito.

Sumalpok ang jeep sa kanang bahagi ng tricycle sa unahan. Tumalsik ang mga lulan ng tricycle. Tumilapon ang trycicle mula highway papunta sa entrance ng sementeryo ng Zarraga.

Sumaklolo ang mga nakikita. Natagpuan ang mga sanggol sa isang bakanteng lote sa sementeryo. Duguan…patay agad.

Ang isa sa mga sakay ng tricycle ay ang mag-asawang Razel at Julito Biaco. Magulang ng isang buwang sanggol na dapat bibinyagan ng araw na yun.

Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng mangyari ang insidente subalit hanggang ngayon ang drayber ng jeep na si Reynaldo Bretana hindi pa rin nanagot. Nakalaya pa.

Ito ang dahilan kung bakit nagpunta sa aming tanggapan ang bayaw ni Razel na si Roberto Namoro ng Pasig City.

Wala man masyadong alam itong si Roberto ikinwento niya sa amin ang nangyari ng araw na iyon base sa salaysay ng hipag na si Razel.

Hunyo pa lang ng maisipan ni Razel na isabay ang binyag ng anak sa anak ng pinsang si Alona. Dahil parehong kapos, mairaos lang ang pagbibinyag, pinagsabay na ang selebrasyon.

Ika-2 ng Mayo 2009, alas siyete ng umaga, araw ng binyag anak nila Razel na si Jasmin Rose ng salpukin sila ng jeep na may plakang FVH655. Biyaheng Barotac, Nuevo na minamaneho ni Reynaldo Caybay.

Sa lakas ng pagkakasalpok tatlo sa walong sakay ang agad namatay. Kabilang na dito ang kanilang anak at isa pang bibinyagang sanggol na si Cheska Karil. Anak ng kanyang pinsan na noo’y Dalawangput Dalawang araw na gulang pa lang. Maging ang mag-ninong na si Raffy Caybay patay din.

Napuruhan ang kaliwang binti ni Razel kinailangan itong lagyan ng bakal pamalit sa nadurog na buto nito.

Maraming sugat rin ang tinamo ng ina ni Cheska na si Alona Caybay. Maging iba pang pasahero na sina Ronalyn Artobal, Faith Agustin at drayber na si Gerry Carisma.

Agad na nagsampa ng kasong Reckless imprudence resulting in Multiple Homicide and Multiple Serious Physical Injuries and Damage to Property ang pamilya Biaco, pamily Caybay laban kay Reynaldo sa Provincial Prosecutor’s Office Iloilo City.

Nakulong itong si Reynaldo subalit nakapagpiyansa rin umano. Dalawang buwan makalipas nailabas ang resolusyon ng kaso. Nakitaan ni Assistant Provincial Prosecutor Gualberto D. Balla ng ‘probable cause’ ang kaso para maikayat ito sa Korte. 

Ika-11 ng Nobyembre 2009, naglabas ang Regional Trial Court (RTC) Branch 31 Iloilo City ng desisyon na sinisentensayahan si Reynaldo (Amended Sentence). Ito ay desisyon na isinulat ni Judge Globert Justalero. Ayon dito, kinakailangang magbayad ni Reynaldo ng halagang Php450,000 para sa ‘Actual Damages’. Isandaang Libong Piso (Php100,000) naman bayad sa ‘Moral Damages’.

Kailangan niya ring bayaran ng halagang Php50,000 bawat isa ang mga namatay na sina Baby Cheska, Baby Jasmin at Raffy Caybay para sa ‘indemnity death’.

Maliban pa rito siya ay nahatulang mabilanggo ng dalawang taon, apat na buwan, isang araw hangang anim na taon. Si Reynaldo ay sumuko at nagpahayag sa Korte ng ‘Plea of Guilt’ kaya naibaba ang kanyang sentensiya ng apat na buwan, isang araw hangang dalawang taon apat na buwang pagkakabilanggo.

Hindi sentensiyado sa ibang kaso si Reynaldo kaya’t nakapag-apply ito for ‘probation’.

Sa ngayon malaya na itong si Reynaldo. Ayon kay Roberto hindi daw siya nagbayad ng mga multa.

Hindi matanggap ng pamilya Biaco at Caybay ang na­ging desisyon ni Judge Justalero kaya nagsadya siya sa aming tanggapan upang malaman ang legal na hakbang na maari pa nilang gawin.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon) ang istorya ni Razel.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kahit nag-apply siya ng probation dapat pinagbayad siya ng ‘damages’ bago sana siya pinayagan. Baka naman hindi alam ni Judge na siya’y pinakawalan na hindi pa nakakasunod sa mga utos na nakapaloob sa desisyon ni Judge.

Kung sakali namang si Judge na pirmahan ang ‘release order’ kahit hindi pa nakakabayad itong si Reynaldo maari nilang iapela ito sa pamamagitan ng isang ‘Motion for Reconsideration’.

Kung gusto nilang habulin yung halaga na dapat bayaran nitong si Reynaldo alamin nila kung ano ang mga ari-arian nito sa pamamagitan ng pagsulat sa Land Registration Authority (LRA) at sa Land Transportation Office (LTO). Ganun din sa iba’t ibang bangko sa Pilipinas upang alamin kung meron siyang bank account.

Kapag may nakita rito maari nilang ipaalam sa Korte para kunin ang katapat na halaga para ikabit ang kanyang mga ari-arian o pera na katumbas ng halagang dapat niyang bayaran.

Bilang agarang aksyon nirefer namin si Robert sa Department of Justice Action Center (DOJAC) para gawin ang kaukulang papeles na nabanggit na namin para makamit naman nila ang mailap na hustisya sa trahedya na sinapit nila. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: [email protected]

DALAWANG

KORTE

LSQUO

PARA

RAZEL

REYNALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with