^

PSN Opinyon

Editoryal - Suntok ng mayor

-

MAAARING dumami pa ang iskuwater sa Davao City dahil sa ginawang panununtok ng mayor doon sa isang court sheriff noong nakaraang linggo. Iisipin ng mga mag-iiskuwat na kakampihan sila ng mayor kaya okey lamang ang kanilang ga­gawing pag-iskuwat. Bago sila mapaalis ay kailangang dumaan muna ang demolition order sa mayor. At kung ayaw ni mayor, walang ibang makapipigil. Lalo pa kung katulad ni Davao City Mayor Sara Duterte na “magaan ang kamay” sa may dala ng court order para i-demolished ang mga illegal settlers.

Nakunan ng video ang pagsuntok ni Mayor Duterte ng apat na beses sa sherriff na si Abe Andres­. Umano’y nagalit si Duterte nang hindi sundin ni Andres ang pakiusap ng mayor na huwag munang ituloy ang demolisyon sa isang squatters area sa Agdao District. Humingi umano ng dalawang oras ang mayor para makipag-usap sa mga illegal settler. Pero itinuloy din ang demolisyon. Nagkaroon ng kaguluhan nang ginigiba na ang mga barungbarong. Nasugatan ang 10 residente kabilang ang 12-anyos na babae. Lumaban sa demolition team ang mga squatters.

Dumating umano si Duterte makaraang maganap ang kaguluhan at sa harap ng mga camera ay pinaulanan ng apat na suntok ang sheriff. Kitang-kita kung paano kinuwelyuhan ni Duterte ang sheriff na hindi naman makalaban sapagkat maraming bodyguard si Duterte.

May nagsabi na maaring nadala ng init ng kanyang ulo si Duterte kaya nasuntok ang sheriff. Pero sa aming palagay, kung biglang uminit ang kanyang ulo, maaaring isang suntok lang ang naigawad niya sa sheriff. Pero apat na malalakas na suntok ang naibigay niya. Masyadong mabilis maggawad ng parusa sa hindi naman maaaring lumaban sa kanya. Kung hinamon niya nang mano-mano ang sheriff e mas maganda sana. Pinalayo muna sana niya ang mga bodyguard niya.

Kumakampi si Duterte sa mga iskuwater dahil maaring nagbigay sa kanya ng boto noong elek­siyon. Pero dapat din niyang alalahanin na ang mga illegal settlers na ito ang nagkakalat ng mga basura na maaaring dahilan kaya nagkaroon ng baha sa kanilang siyudad. Sana gamitin ang suntok sa mga sumisira ng kapaligiran at gumagawa ng krimen. Hindi sa sheriff na sumusunod lamang sa utos ng korte.

ABE ANDRES

AGDAO DISTRICT

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR SARA DUTERTE

DUTERTE

MAYOR

MAYOR DUTERTE

PERO

SHERIFF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with