^

PSN Opinyon

Suertres sa Cagayan de Oro (2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGLULUNDAGAN ang mga bugok na mga tauhan ng PNP sa Cagayan de Oro dahil namamantikaan ng husto ang kanilang mga nguso sa illegal gambling na pinatatakbo nina Allam at Lim sa nasabing probinsiya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, limang porsiento everyday ang tinatanggap ng isang kamoteng official ng PNP doon basta huwag lamang magalaw ang kanilang iligal na pasugal sa Cagayan de Oro City mula sa bangkang sinasabing sina Lim at alam mo.

Tanong - alam kaya ni Mayor ito?

Dahil kung hindi alam ni Mayor ang nangyayari sa kanyang bakuran aba tiyak may nakikinabang na iba mula sa munisipyo ni yorme.

Sino kayang kamote ang kumukuha ng partikular para sa munisipyo?

Naku ha!

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Siguro yorme dapat kang mag-ikot dyan sa paligid mo at pakiramdaman mo ang mga walanghiyang kumukuha ng komisyon o timbre galing sa ‘suertres’ ang usong sugal dyan sa lugar mo.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming lespung bugok ang nagka-pera ng malaki sa ‘suertres’ kaya naman laman sila ngayon ng mga club at panay ang pambabae ng mga kamote?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga nahuling kubrador ang grupo nina Lim at alam mo pero walang nangyari sa mga ito at ang masama pa mas nauna pa silang umuwi ng bahay kaysa sa mga humuli sa kanila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa susunod na labas ng Chief Kuwago ay ibibigay na nila ang listahan ng mga lugar at management ng ‘suertres’ sa Cagayan de Oro City.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ALLAM

ANO

AYON

CHIEF KUWAGO

NAKU

ORO CITY

SABI

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with